Bago pa ang Voice to Parliament referendum sa 14 October, maraming Australians ang nagtatanong kung maari bang mauwi sa tabla ang referendum.
Ayon sa Parliamentary Education Office (PEO), hindi maaring maging tabla o tie ang resulta ng referendum dahil kailingan nito mang mas nakakaraming boto para magtagumpay.
At kung sakaling magkaroon ng parehong bilang ang YES at NO votes, mas kikilalanin ang NO votes dahil hindi nagtagumpay ang mga pabor sa referendum na makakuha ng majority o mas mataas na boto.
Sasagot ang mga Australians ng Yes or No sa balota, para malaman ang kanilang saloobin kung dapat magkaroon ng sa Saligang Batas.
Kung magtagumpay ang No vote, walang mababago sa Saligang Batas at hindi isasama dito ang Indigenous Voice.
May dalawang thresholds para sa matagumpay na referendum: a majority of votes o mas nakakaraming boto at a majority of states o lamang na bilang ng estado.
Hindi kasama ang teritoryo; ang boto sa Australian Capital Territory at Northern Territory ay mabibilang lang sa unang threshold.
Tulad ng pangkaraniwang eleksyon, lahat ng eligible Australians edad 18 pataas ay
Ang botante na walang sapat na dahilan at hindi makakaboto ay maaring magmulta.
Can the Governor-General vote in the referendum?
Sa isang pampublikong Q and A, tinanong ang PEO kung ang governor-general, bilang kinatawan ng Hari, ay boboto sakaling maging tabla o tie ang resulta ng referendum.
Pero kung susundin ito Governor-General, David Hurley, hindi nito ipapaalam ang kanyang boto.
Bilang isang Australian citizen, kinakailangan din nyang mag-enrol sa electoral roll para makaboto.
Pero sa tradisyon ng mga Australian, hindi bumuboto ang governor-general, at nagpapadala lang ito ng sulat sa Electoral Commissioner para kumpirmahin na hindi sya boboto at tinatanggap ito ng komisyon.
Manatiling updated sa mga ulat kaugnay ng 2023 Indigenous Voice to Parliament referendum mula sa SBS Network, kasama ang pananaw ng First Nations sa NITV.
Bisitahin ang para ma-access ang articles, videos at podcasts na isinalin sa 60 wika, o panoorin ang mga pinakahuling balita at analysis, docos at entertainment ng libre, sa .