Sa bawat Paskong Pinoy, may pagkain, may tema at may mga palaro.
Ito ang ilang ideya na maaari ninyong laruin nitong Pasko:
1. Bite Me Bag
Dalawang grupo ang maglalaban. Gamit lamang ang kanilang mga ngipin at bibig, pupulutin ng mga manlalaro ang mga bag. Habang tumatagal ang laro, paliit ng paliit ang mga bag.
2. Jingle in the Trunk
Sa larong ito, magsusuot ang mga manlalaro ng tissue box na may tali sa kanilang baywang. Ang bawat kahon ay may maliliit na bell na kinakailangan tanggalin mula sa loob. Maaari silang kumembot, tumalon o kahit ano pa upang gawin ito.
3. Bobbing for Candy Canes
Gamit ang isang candy cane na nasa kanilang mga bibig, pupulutin ng mga manlalaro ang iba pang candy canes sa mesa. Ang pinakamabilis na makatapos ang panalo.
4. Snowball Bounce
Sa larong ito, may suot-suot na timba ang isang manlalaro sa ulo niya. Susubukan naman ng kanyang teammate na i-shoot ang pingpong balls sa loob ng timba.
5. Pabitin
Isang klasik na larong Pinoy, may mga nakasabit na laruan, kendi at pera sa isang kahoy na pabitin habang tumatalon ang mga manlalaro upang makuha ang mga premyong ito.
BASAHIN DIN