Tatlong magkapatid tumigil mula sa kani-kanilang mga corporate job upang magluto ng burger

Pagkatapos huminto mula sa kanilang mga full-time job upang magbukas ng maliit na tindahan ng burger, hindi sigurado ang magkapatid na Soto kung magiging matagumpay ang kanilang negosyo. Ngunit wala pang tatlong taon, nakapagbukas na sila ng dalawa pang tindahan at ngayon ang lugar ay isa na sa mga paboritong kainan ng mga mahilig sa burger.

Soto Brothers: (L-R) Jed, Dan and Kyne Soto

Soto Brothers: (L-R) Jed, Dan and Kyne Soto Source: Dan Soto

Umalis ang magkapatid na sina Jed, Dan at Kyne Soto mula sa kanilang mga full-time na trabaho upang magbukas ng kanilang sariling kainan na tinawag nilang St Burgs sa Kanluran na suburb ng Melbourne.

Sa puhunan na $50,000 tumangging matakot sa posibilidad na mabigo ang magkapatid na Soto.

“We didn’t want to have that mentality of being scared to open something or not open a business because we’re not sure if we’re going to succeed, we basically worked through that barrier,” sabi ni Dan Soto.

Parehong nagtrabaho si Jed at Kyne Soto sa NAB bilang financial at superannuation advisor, habang si Dan ay namasukan bilang team leader para sa Medibank health insurance bago pumasok sa negosyo ng pagkain. Sa kabila ng pagkakaroon ng matatag na trabaho at sweldo, ang hilig nila sa pagkain ang nagtulak sa kanila na talikuran ang regular na 8 oras na trabaho.

Ang matapang na hakbang ay naging dahilan upang magbukas ng isang maliit na kainan ng burger noong 2015 sa suburb ng Maribyrnong.
St Burgs team a month after opening their humble little shop.
St Burgs team a month after opening their humble little shop. Source: St Burgs

Paano nagsimula

Nagkaroon ng malakas na pagkahilig sa burger si Dan Soto nang ito ay nasa Amerika taong 2014.

“They have perfected the burgers in America everywhere you go there you can’t have a bad burger. I took that inspiration with me brought it back and started playing around.”

Nang bumalik sa Australya, nagsimula na siyang maghanap at gumiling ng iba't-ibang hiwa ng karne ng baka, nag-diskubre ng iba't-ibang klase ng keso at nagsanay magluto ng perpektong burger para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Habang nag-eeksperimento ng iba't-ibang timpla, sa parehong taon din ay nag-alok ang kapatid nitong si Jed na sila ay magbukas ng maliit na cafe sa harap ng bahay ng kanyang kapatid. Ngunit hinikayat ni Dan na sa halip na cafe, ay magbukas sila ng burger joint dahil ang burger sa Melbourne ay nagsisimula ng lumaki ng mga panahong iyon.

"One day Jed called me, he said I’m thinking of opening a small cafe across the road from where I live. I said I’ve always wanted to do a burger joint and because my brother studied hospitality he had all that gourmet experience. I said why we don’t we put a burger joint instead because at the moment burgers are growing and it’s not as complicated as doing a cafe or doing a pop-up menu," dagdag ni Dan.

Ang paglaki ng kanilang negosyo

Mula sa isang maliit na cafe sa Maribyrnong kung saan walong tao lamang ang nakakaupo, kinailangan nilang palakihan ang kanilang pwesto dahil dumami na ang kanilang mga kostumer.

“The original store was a tiny store. Majority of our seating was outside. We started off small because we weren’t too sure on how we will do it and we want to reduce the risk. If we don’t do well, then at least it’s only small. But if we do well, we can always expand,” sabi ni Dan.

Mula sa lumalaking demand sa Maribyrnong, nagbukas muli ang tatlong magkapatid ng kanilang isa pang tindahan sa Pacific Werribee.

“It grew to the point where we felt like we were ready to open a new store so we can get our name out to the other suburbs of the West,” dagdag niya.

Isang buwan makalipas ang pagbubukas sa Werribee, nagbukas muli sila ng ikatlong kainan sa Caroline Springs kung saan ang kanilang pangunahing layunin ay magkaroon ng epekto sa komunidad.

Mayroon din silang food truck na umiikot at lumalabas sa mga festival at catering.
The Soto brothers opened their first branch in 2015 and later opened 2 more branches plus a food truck in 2018.
The Soto brothers opened their first branch in 2015 and later opened 2 more branches plus a food truck in 2018. Source: Dan Soto/St Burgs
"It depends on how much risk you want to take."
Habang ang ilan sa mga Pinoy ay handang humarap sa mga panganib, ang ilan naman ay hindi kasing-tapang ng iba. Bago pumasok sa negosyo ang magkapatid, nagpahayag ng pag-aalala ang kanilang mga magulang sa ideya.

“Our parents were kind of sceptical they said this is too risky we quit all our jobs and went straight to that business.”

Ibinahagi ni Dan na nais nilang iwasan ang ganong mentalidad.

“Filipinos don’t tend to take a risk unless they’re absolutely certain something good out of it is going to happen. That sort of mentality was what we pushed aside.”

Naniniwala siya na ang pagiging positibo at makabago ay ang mga susing elemento sa tagumpay ng isang negosyo.

“If you open up a business you can’t just continue with the same sort of products you have to innovate and think of new ways to attract your customers like incorporating Filipino flavour into the burger. You get the Westerners wondering what is in an adobo inspired burger.”
The Soto family grew a great love for burgers.
The Soto family grew a great love for burgers. Source: St Burgs

Mga Filipino inspired meals

Ibinahagi ng magkapatid na matagal na nilang nais ipakilala ang tradisyonal na pagkaing Pinoy sa Australya kung kaya't sinusubok nilang isama ang panlasang Pinoy sa kanilang menu.

"I would love to get the traditional Filipino food more known in the community that’s why we always try to incorporate those Filipino flavours into the burgers. We found a way to incorporate our mum’s recipe too. We’re trying to embrace our Filipino culture more now than before," sabi ni Dan Soto.

Nakalikha ng mga kakaibang paraan ang magkapatid upang gawin ang kanilang mga burger at sila din ay gumawa ng mga pagkaing kumikilala sa mga popular na pagkaing Pinoy tulad na lamang ng Yum Durger, Adobo Shaker Fries, Durger Steak, Sinigang Wings, at Ube Shake at ang sikat na sweet style spaghetti na pinaparesan ng manok at gravy.

Sa tuwing pumupunta ang mga di- Pinoy upang tikman ang kanilang mga Filipino inspired meal, sinabi ni Dan na kadalasan sa kanila ay nagsasabing kakaiba ang kanilang combo ngunit pagkatapos matikman ay nagko-komento silang ito ay masarap.

"Every time a non-Filipino comes in and then they see our Filipino inspired menu such as Filipino fried chicken with spaghetti, they would say it's an odd combo but we encourage them to try it. Whenever they try it, they’re shocked and they keep on eating," sabi niya.

Sa kabila ng pagkain, nais din nilang magkaroon ng 'homecoming' na karanasan ang mga Pilipino nilang kostumer.

"With Filipino food, it’s kind of a hit and miss from experience. It depends on how and where you were raised. A lot of Filipinos say when they’re having Filipino food ‘my mum makes it differently’. What we’re after is that nostalgic feeling that when someone eats it, they’ll be like ‘it reminds me of home' or 'it brings me straight home’ that’s what we’re trying to achieve."
A Filipino tribute menu: Adobo Shaker Fries, Yum Durger, Durger Steak, Sinigang Wings, Ube Shake, Instant Noodle Burger, Filipino style Spaghetti & Chicken, Phil-made beers
A Filipino tribute menu: Adobo Shaker Fries, Yum Durger, Durger Steak, Sinigang Wings, Ube Shake, Instant Noodle Burger, Filipino style Spaghetti & Chicken, Phi Source: Dan Soto/ St Burgs
Habang lumalaki ang kanilang negosyo, inamin ni Dan na higit sa kita na pera, ang pagtrabaho kasama ang mga kapatid ay tumulong upang maging mas malapit sila sa isa't isa bilang pamilya.

"We all feel really good working together and each of us has our own part to play in the business. It’s definitely brought us closer than ever."

Ipinagpapatuloy ng magkaaptid ang kanilang pakikipagsapalaran upang maging pinakamahusay na burger joint sa Kanluran ng Melbourne at sila ay hindi mapipigilan.

BASAHIN DIN:

Share
Published 24 June 2019 4:53pm
Updated 5 July 2019 10:06am
By Claudette Centeno-Calixto


Share this with family and friends