Wikang Filipino bilang VCE subject

University students working on their assignment with help from teacher

The Philippine language School in Victoria has been an accredited VCE provider for the Filipino language since 199. Credit: prathanchorruangsak /envato

Ang wikang Filipino ay isa sa mga maaring piliin para maging VCE o Victorian Certificate of Education subject ng mga mag-aaral na high school sa State ng Victoria.


Key Points
  • Ang Philippine Language School sa Victoria ay VCE provider simula 1999.
  • May 2,000 VCE students ang nakumpleto ang kurso sa Philippine Language School.
  • May mga naging pokus sa pagturo at gamit ng Filipino na sensitibo sa kaligtasan ng bata laban sa verbal at physical abuse.
Tinuturo na rin ang wastong pananalita sa paggamit ng wika. Mayroon tayong mga expression sa Filipino o Tagalog na 'di gaanong magandang pakinggan, tulad ng bobo o lumayas ka dito. Maaari itong magbunga sa verbal abuse, kaya kailangan maging maingat tayo.
Perla Luetic, Philippine Language School
Sa pagtatapos ng Buwan ng Wika, magkakaroon ng pagdiriwang ng kultura at pagkilala sa ibat-ibang wika sa Pilipinas. Ang 'Ibat-ibang Wika: Iisang Diwa' ay selebrasyong magaganap sa Philippine Community Centre sa Laverton.

Share