'We feel at home': Bakit Blacktown ang may pinakamaraming Pilipino na nakatira sa NSW

Filipinos in Blacktown.jpg

Data from the 2021 Australian census show that 7.2 per cent or 3,686 persons living in Blacktown NSW are of Filipino descent. Credit: SBS Filipino

Aabot na sa mahigit 400,000 ang Pilipino sa Australia pero alam mo ba kung saan ang lugar na pinakamaraming Pinoy sa inyong estado o teritoryo? Sa New South Wales, ang suburb ng Blacktown ang may pangunahing bilang ng mga Pinoy kung saan nasa 3,686 ang may pinagmulang Pilipino.


Key Points
  • Pang-apat ang mga Pilipino sa bilang ng mga nakatira sa Blackown NSW.
  • 7.2 porsyento o 3,686 na taong nakatira sa Blacktown ay mga Pilipino.
  • Nasa 2,822 katao na nakatira sa Blacktown ay ipinanganak sa Pilipinas.
LISTEN TO THE PODCAST
Blacktown_top suburb for Filipinos in NSW.mp3 image

Blacktown_top suburb for Filipinos in NSW.mp3

15:36

Isa sa pinaka-multikultural

Ang arabal ng Blacktown ay matatagpuan 34 kilometro sa kanluran ng Sydney central business district. Itinuturing ito na isa sa pinaka-multikultural na lugar sa kalakhang Sydney.

Ayon sa tala ng Australian Bureau of Statistics (ABS) noong 2021, tinatayang halos 51,000 katao ang nakatira sa arabal ng Blacktown, at nasa 190 magkaka-ibang kultura ang pinagmulan ng mga residente sa Blacktown.

Ayon pa sa tala ng ABS nasa 131 na iba’t ibang wika ang sinasalita sa parte na ito ng Kanlurang Sydney.

“What I really love about the multicultural communities is that they bring so many stories to our country, they bring so much interest, they bring so much life and all coming from so many different backgrounds,” pahayag ni Governor Margaret Beazley sa tuwa nito na masaksihan ang magkakaibang kultura ng mga nakatira sa Blacktown.
Governor Margaret Beazley.png
'If you live in Blacktown you can have a friend from every country in the world,' says Governor of NSW Margaret Beazley of the different communities living in Blacktown. Credit: SBS Filipino

Pagdami ng mga Pilipino

Pang-apat ang mga Pilipino sa dami ng nakatira sa Blacktown kung saan tinatayang 7.2 porsyento o 3,686 ng mga nakatira ay may pinagmulang Pilipino. Sa bilang na ito, 2,822 ay ipinanganak sa Pilipinas.

Dahil sa bilang ng mga Pilipino na nakatira sa Blacktown isa ito sa mga pangunahing konsiderasyon para sa Filipino community leader na si Carol Israel kung bakit niya pinili na manirahan sa Blacktown.

“Alam namin 'yung reputation ng Blacktown na andito ang [maraming] Filipino, so syempre kapag umalis ka at nangibang bansa, hahanap-hanapin mo pa rin yung mga Filipino. Kaya sabi namin dito ang pinakamaganda [na tumira],” ani Councillor Israel.

Mahigit 23 taon nang nakatira sa Blacktown ang ngayo’y Blacktown City Councillor.

"Mula nang dumating ako sa Australia, Blacktown has been my home. I never left Blacktown. So from Day One, Blacktown has been my home, and I'm not gonna leave Blacktown."

Pamumuhay at opportunidad

Ang IT professional na si Natty Millares ay dumating sa Australia sa unang bahagi ng taong 1980 at nagsimula itong manirahan sa Blacktown noong 1988 kung saan siya at ang kanyang asawa ay nakabili ng bahay.

"Noong panahon na 'yun maraming mga Pilipino ang nagdaratingan dito at dahil nakita nila na mas open dito noon na makabili agad ng bahay."

Sa 36 taon paninirahan ni Ginang Millares sa Blacktown nakita nito ang mga pagbabago sa lugar at ang pagdami ng mga Pilipino doon.

"Dito may bilihan ng mga pagkaing Pilipino, mga produktong galing ng Pilipinas. Marami ding mga organisasyon dito ng mga Pilipino."
Dwaine Labor.jfif
Dwaine Labor, with his family, has been living in Blacktown for the past 14 years. Credit: SBS Filipino
Nakabili rin ng bahay ang small business owner na si Dwaine Labor at 14 na taon nang nakatira sa Blacktown.

"Nagustuhan na namin itong lugar. At nakikita namin na dito na ang susunod na mga development."

Bukod sa mga pag-unlad sa lugar, ramdam din ni Ginoong Labor ang pagiging "at home" sa Blacktown.

"Pag pumunta ka sa shopping centre at napakaraming mga kainang Pilipino malapit lang sa train station ng Blacktown," paliwanag ni Dwaine Labor.
Jerome Pareno
From Adelaide South Australia, Jerome Pareño (left, with his eatery crew) moved to western Sydney in the early 2000s. Credit: SBS Filipino
Negosyo naman ang nagdala sa Blacktown kay Jerome Pareño na may-ari ng kainan na Pinoy Station. Mahigit 20 taon na ito sa pagnenegosyo sa lugar.

"Opportunity ang nandito [sa Blacktown]. Trabaho, itong aking negosyo, mga kaibigan nandito."

Sa mahigit dalawang dekada ng pagnenegosyo ni Jerome sa Blacktown nasaksihan nya ang mga naging pagbabago sa lugar.

"Dumami ang tao, maraming mga businesses na mga bago. Meron tayong university na kakabukas lang like two years ago. So maraming improvements dito."
Joshua Fernandez.jpg
Young entrepreneur Joshua Fernandez took advantage of the continuing increase of Filipinos in Blacktown when he put up his small business in the area. Credit: SBS Filipino
Nang makabili ng kanyang unang bahay sa Blacktown dalawang taon na ang nakaraan, sinamantala na rin ng ngayo'y 22-anyos na si Joshua Fernandez ang pagtatayo ng maliit niyang tindahan.

"We sell both Filipino cultural products and groceries which we normally see in Philippine day-to-day life."

Sa kanyang paninirahan sa Blacktown, ibinahagi ng batang negosyante kung paano niya lalong minamahal ang kanyang pagka-Pilipino.

"I do enjoy the culture, I've embraced it really well. I'm glad to see more Filipinos out and about, just lots of them everywhere. Literally, maybe every five or so people, there's gonna be a Filipino."

"It's kind of nice seeing that 'cause it kind of reminds you of home and it also enables the business itself to strive pretty well since we do have those kinds of customers," masayang kwento ni Joshua.

Share