Key Points
- Ang pag-aaral, na pinangunahan ni Propesor Elinor McKone ng Research School of Psychology, ay tinalakay ang 'other-race effect', isang phenomenon kung saan nahihirapan ang mga tao na kilalanin ang mga indibidwal sa iba’t ibang lahi.
- Lumabas sa research na ito mula Australian National University na ang mga na-expose sa mga tao mula sa ibang racial backgrounds noong kabataan ay mas madaling makakilala ng mukha mula iba’t ibang lahi.
- Ayon naman sa co-author na si Dr. Amy Dawel,ang other-race effect anya ay maaaring magdulot ng seryosong mga epekto sa tunay na buhay gaya ng maling pag-identify ng mga saksi sa sa krimen at maling pag-identify sa pasaporte.