Key Points
- Tinatayang aabot sa anim na milyon ang influencer sa Australia na nahahati sa mga iba't ibang kategorya kabilang ang Nano influencer, micro, macro influencer at mga celebrity influencer.
- Kabilang ang content creator na si Bella Ozisera sa mga micro influencer, ang kategorya na may 10,000 hanggang 100,000 followers.
- Komedya at lifestyle at buhay sa Australia ang kanilang mga paksa ni Bella Ozisera sa kanynag content creation.
LISTEN TO THE PODCAST
Buhay Influencer: How Bella Ozisera finds her niche in content creation
35:45
May ilang taon nang binalak ng influencer na maging content creator pero niya agad ito nasimulan.
Aniya, noong una'y tinanong siya ng kanyang asawa "kung ano ang kanyang mapapala sa paggawa ng content", kaya naman maging siya at nagkaroon ng pag-kwestyon sa kanyang balak na content creation.
Pero sa hilig talaga nito na magpasaya ng mga tao, sa huli'y hindi ito nagpa-apekto sa mga negatibong komento at itinuloy na nito ang content creation.
Ngayon, maituturing na itong isang micro-influncer na may halos 50,000 follower sa kanyang Facebook, mahigit isang taon muna nang simulan nito ang paggawa ng ocntent.
Masasab na isang micro-influencer ang isang content creator kung ito ay may follower na mula 10,000 hanggang 100,000.
Sa Australia, comedy, at lifestyle ang dalawa sa pangunahing kategorya ng paksa ng mga content creator at pasok na pasok dito ang mga content ni Bella Ozisera.