Key Points
- Si Celia Torres-Villanueva ay naparangalan bilang isa sa limang finalist mula sa 77 nominado para sa Australian Professionals of Colour (APOC) Corporate Legend Award.
- Siya ay isang abogado, Doctor of Philosophy, dating biomedical scientist, at Founder ng Career Transformation Ventures.
- Si Celia ay nagtataguyod ng workplace diversity at inclusion, at hinihikayat ang mga Pilipino na huwag mahiyang ipamalas ang galing sa corporate setting at mag-apply sa mga leadership position.
Sa episode na ito ng Trabaho, Visa atbp., ibinahagi ng isang Pinay na kinilala bilang finalist sa Australian Professionals of Colour ang kahalagahan ng representasyon ng mg amigrante gaya ng mga Filipino sa mga executive board sa isang organisasyon o kumpanya sa Australia.
Malaking bagay anya na nakikilala ang mga Filipino na matagumpay sa mga korporasyon sa Australia ng mga grupo katulad ng Australian Professionals of Colour, na isang organisasyon na layong kilalanin ang mga kontribusyon ng mga indibidwal mula sa iba’t ibang multikutural na komunidad.
Celia Torres-Villanueva is a lawyer, Doctor of Philosophy, former biomedical scientist, and Founder of Career Transformation Ventures who advocates for diversity and inclusion in the workplace.