Ika-10 ng Pebrero ang pagbubukas ng Pilipinas sa mga turista at hindi na kailangan ng quarantine ang mga fully vaccinated.
Ayon kay Ely Palima ng Philippine Department of Tourism in Australia & New Zealand, kasado na ang mga paghahanda at kampanya ng kagarawan.
Pakinggan ang audio:
LISTEN TO
International border ng Pilipinas, bukas na para sa mga nais bumyahe sa bansa
SBS Filipino
10/02/202206:40
Highlights
- 12.8 % ng GDP ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas noong 2019, bumaba ito sa 5.4% ng nagkapandemya ng taong 2020.
- Bago mag pandemya, 286,170 na turista ang bumisita sa Pilipinas mula Australia. Pang anim ang Australia sa malalaking pinagmumulan ng turista.
- Sa mga nais bumisita sa Pilipinas maging Pilipino o dayuhan, alamin ang mga requirements at kailangan sa website Philippines.travel/safetrip