‘Peaceful at safe’: Bakit Zuccoli ang nangungunang suburb para sa mga Pinoy sa Darwin

IMG_1006.jpg

Glen Gonzalez, a public-school teacher, moved from Los Angeles, California, with his family in 2008 due to the recession. His wife secured a nursing position in Darwin, Australia.

Sa teritoryo ng Darwin, ang suburb ng Zuccoli ang may pangunahing bilang ng mga Pinoy kung saan aabot sa 590 ang bilang ng mga Pilipino sa lugar.


KEY POINTS
  • May limang ibat ibang bahagi na nainirahan sa suburb ng Zuccoli. Nangunguna ang mga Australyano na nasa mahigit isang libo ang populasyon, sumunod ang mga English, pangatlo ang mga Pilipino at nasa mahigit dalawang daan naman ang mga Australian Aboriginal at Irish.
  • Taong 2008 nang lumipat mula sa Los Angeles, California si Glen Gonzalez at ang kanyang pamilya dahil sa recession. Nag-aaply bilang nurse ang kanyang asawa sa Darwin. Australia at agad nakuha ang trabaho.
  • Isa sa mga nagustuhan ng pamilya Gonzalez sa Zuccoli ay ang kaligtasan ng mga naninirahan sa lugar.
Ayon sa tala ng Australian Bureau of Statistics, karamihan sa mga trabaho ng mga naninirahan sa lugar ay mga community at personal service worker, professionals, technician at trades worker, clerical at admin worker, mga manager, sales worker at labourer.

Taong 2008 nang lumipat mula sa Los Angeles California si Glen Gonzalez at ang kanyang pamilya dahil sa recession. Nag-aaply bilang nurse ang kanyang asawa sa Darwin. Australia at agad nakuha ang trabaho.

Ayon kay Glen na isang guro sa public-school, una silang nanirahan sa Malak kung saan sila ay nagrenta ng siyam na taon. Taong 2018 ay lumipat na sila sa Zuccoli.

Nadesisyon ang mag-asawa na lumipat sa Zuccoli dahil mura ang bentahan ng lupa at dahil na rin sa alok ng pamahalaan ng Northern Territory na first home owner’s grant na $25,000.

Peaceful at safe na lugar

Ngunit isa sa nagustuhan ni Glen sa Zuccoli ay ang kaligtasan ng mga naninirahan.

“Isa din ang safety. Malawak din ang mga daan dito compared to other suburb. Yung ibang suburb, makikipot ang daan. Compared to Zuccoli, we are in a boulevard so malaki ang space from one house to the other at space between the road, maraming parking space. Tsaka yung safety. It’s a very safe suburb. Its about security and peace.”

Dagdag niya na isa sa mga maganda sa lugar ay dahil malapit ito sa mga shops at establisimento. Mayroon ding dalawang private school at isang pampublikong paaralan.

At sa tingin niya ang talagang nakakaakit sa mga Pilipino ay dahil sa mga paaralan sa lugar.

“I think that is one of the reasons why a lot of Filipinos decided to come to this suburb because of the access to education.”

Sa anim na taong paninirahan ni Glen sa Zuccoli ay nasaksihan nila ang mga pag-unlad sa lugar.

“Nagkaraoon ng further development behind our house. Mas maraming development sa likod. I think the government won’t invest on building school’s kung hindi siya viable kasi marami ng mga bahay at marami ding migrante na prefer ang lugar kasi mas cheaper."

Diin niya kaya maraming Pilipino sa lugar ay dahil din sa peace and safety at mababang krimen sa lugar

“Hindi ko alam kung bakit pero siguro isa sa mga dahilan ay ang safety ng lugar kasi mas malawak at breezy compared to the other suburb. Yung peace of mind na wala kang katatakutan unlike sa ibang suburb na may mga nakawan at mataas ang crime rate.

Pagdating sa trabaho bagamat kilala bilang residential area, namamayagpag ang industrriya ng hospitality at healthcare.

At habang dumarami ang mg Pinoy, nagiging aktibo din ang mg Filipino commuinty groups at inclusive din ang iba't ibang lahi, parang lahat ay magkakilala.

Masayang inamin ni Glen na gusto nila ang kanilang simpleng pamumuhay at nakikitang magreretiro sa lugar.
PAKINGGAN ANG PODCAST
top filo suburb in darwin zuccoli image

‘Peaceful at safe’: Bakit Zuccoli ang nangungunang suburb para sa mga Pinoy sa Darwin

SBS Filipino

13/06/202410:37

Share