Panibagong bugso ng COVID sa Australya, pinangangambahan ngayong Kapaskuhan

COVID-19 Christmas plans

Will COVID-19 ruin your Christmas? Source: Moment RF / Kittikorn Nimitpara/Getty Images

Sa gitna ng banta ng pang-apat na bugso ng COVID-19, nananawagan ang mga eksperto na ipagpatuloy ang paggamit ng Rapid Antigen Test lalo na sa mga indibidwal na pupunta sa mga salo-salo ngayong paparating na Kapaskuhan.


Key Points
  • Sanhi ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang mga subvariants ng Omicron kabilang na ang tinatawag na BQ1.1 at iba pa.
  • Ayon sa pagsasaliksik ng mga virologists ng Kirby Research Institute sa Sydney, ang mga bagong variants ng COVID ay nagagawang iwasan ang mga antibodies ng ating katawan, dahilan kung bakit dumadami ulit ang mga nagpopositibo.
  • Iminungkahi ni Doctor Danielle McMullen, ang bise presidente ng Australian Medical Association, ang paggamit ng RAT tests bago ang pagtitipon at selebrasyon ngayong kapaskuhan.
PAKINGGAN ANG ULAT:
Panibagong bugso ng COVID sa Australya, pinangangambahan ngayong Kapaskuhan  image

Panibagong bugso ng COVID sa Australya, pinangangambahan ngayong Kapaskuhan

SBS Filipino

21/11/202205:40

Share