Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Ingles: mga hakbang upang mapahusay ang kasanayan sa wika

SG Improving English - letters

School and education concept Source: Moment RF / Nora Carol Photography/Getty Images

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Ang pag-aaral ng Ingles ay maaaring magsilbing pangunahing kinakailangan para sa iyong student visa at isang paraan upang maabot ang mga hinaharap na akademikong pangarap. Potensyal din itong mapalakas ang iyong mga pag-asa sa karera o maging isang personal na layunin. Ito din ang paraan para matuto at mapabuti ang iyong kasanayan sa wikang Ingles.


Key Points
  • Ang mga libreng apps at online tools para sa pag-aaral ng Ingles ay makakatulong sa mas magaang paraan.
  • Ang government-run Adult Migrant English Program ay tumutulong sa mga adult migrant at mga humanitarian entrants na mapabuti ang kanilang kasanayan sa Ingles.
  • Ang panonood ng mga programa na may mga subtitle at pagbabasa ng audio books ay magpapabuti ng iyong grammar nang hindi mo namamalayan.
Ang kahusayan sa paggamit ng Ingles ay mahirap matutunan, at alam nating lahat kung gaano kahirap maunawaan ang Australian pronunciation at idioms.

Si Marcella Aguilar ay Volunteer Tutor Coordinator (AMEP).

Sinasabi niya maraming mga hadlang ang hinaharap ng mga nag-aaral ng Ingles, at ang takot ay maaaring maging pinakamalaking balakid sa lahat.

"Maaaring sila'y masyadong matanda na, o pakiramdam nila ay matagal na silang wala sa sistema ng edukasyon, at wala silang nakaraang pag-aaral, kaya't wala silang mga estratehiya sa pag-aaral."

Tandaan, mayroong suporta sa wika para sa iyong indibidwal na sitwasyon, kaya't huwag kang mag-atubiling sumubok.
Hindi mahalaga sa mga tao kung gumagawa ka ng mga pagkakamali. Ang wika ay para sa komunikasyon, at ang mga tao ay nais lang marinig ang mensahe.
Marcella Aguilar

Pormal na pag-aaral ng Ingles studies

Ayon kay Alison Lennon, Director of Studies sa English Language College, ang pag-aaral ng Ingles ay nagreresulta sa mas malalim na pag-intindi wika.

"Ang mas pormal na pag-aaral ng Ingles ay nagbibigay sa kanila ng magandang pundasyon para sa mga hinaharap na trabaho, para sa hinaharap na pag-integrate, at para sa mga susunod na pag-aaral," aniya.

Maaaring kinakailangan ng iyong visa na magbigay ka ng patunay ng iyong kasanayan sa Ingles.

Kinikilala ng gobyerno ng Australya ang ilang mga pagsusulit sa wika sa mga aplikasyon para sa visa. Nag-aalok ng mga certificate courses tulad ng IELTS*, CAE*, at TOEFL* ang mga unibersidad, TAFE, pribadong kolehiyo, at mga sentro ng wika.
SG Improving English - woman with laptop
Credit: Westend61/Getty Images/Westend61
Si Hester Mostert, ay isang English language instructor ay nagsabi na kapag kinakaharap ang mga iba't-ibang opsyon na ito, mahalaga na malinaw ang pag-unawa sa iyong layunin.

"Ang mga mag-aaral na naririto para sa paglalakbay at kaligayahan lamang ay marahil nais tingnan ang mga general English courses.

"May mga mag-aaral na nais magtapos sa isang unibersidad sa kanilang bansa kaya't naghahanap sila ng mga lugar na nag-aalok ng TOEIC at IELTS. Para sa mga mas pangmatagalan na pagpipilian, may mga paaralan na nag-aalok ng mga pathway program papunta sa TAFE o unibersidad."

Ang mga may student visa ay may mga partikular na mga kinakailangan. Halimbawa, ang mga mag-aaral ay dapat nakatala sa isang paaralang pangwika na may 20 o higit pang oras na face-to-face na pag-aaral bawat linggo.

Ang ilang paaralan ay maaaring maghanda sa iyo para sa language proficiency tests.

Halimbawa, kung nais mong magpalit ng visa o mag-enroll sa unibersidad, malamang na mangangailangan ka ng sertipikasyon ng IELTS, ayon kay Alison Lennon mula sa Langports.

"Tuturuan namin sila para sa IELTS upang magkaroon sila ng mga teknik at kasanayan na kinakailangan upang maipasa ang pagsusulit na IELTS."

Ang Adult Migrant English Program

Pinondohan ng Australian Government Department of Home Affairs, ang Adult Migrant English Program (AMEP) para tulunga ang mga adult migrant at mga humanitarian entrants na mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa Ingles.

Bilang bahagi ng AMEP Volunteer Tutor Scheme, maingat na mina-match ni Marcella Aguilar ang mga kalahok sa kanilang mga tutor, sa one to one na suporta.

Kwento niya may potensyal ang programang ito na magdulot ng mas malalim na pagbabago sa kanilang kasanayan sa wikang Ingles.
Nagbibigay sila hindi lamang ng tulong para matuto sa wikang Ingles kundi pati na rin ng pagkakaibigan at pagpapatibay ng kanilang loob sa mga taong kung minsan ay labis na nag-iisa.
Marcella Aguilar
Sa pag-aaral maaari kang pumili na magkita sa bahay, sa library, o sa pampublikong lugar para sa one-to-one na suporta.

“Hinihikayat ko ang lahat na bumisita sa college sa kanilang mga lugar, at makipag-usap sa aming bilingual staff. Kung sila ay kwalipikado, dapat magpa- assessment at makipag-ugnayan sa tutor.

"Ang mga tutor ay mga cheerleader na nagsasabit sa kanila ng, 'Kaya mo 'yan - nandito ako sa iyong tabi mo upang suportahan ka sa bawat hakbang ng iyong pag-aaral'."
SG Improving English - Woman listening to lesson on headphones
Isang babae nakikinig ng musika/podcast/audiobook gamit ang headphones. Credit: Peter Berglund/Getty Images

Tips para mapabuti ang iyong Ingles

Ang pangunahing tips ni Marcella Aguilar:
  • Manood ng Teletext TV. Sa pagbabasa ng subtitles, at pakikinig, magiging pamilyar ka sa Australian accent at gamitin mo ang mga karaniwang Australian expressions.
  • I-download ang libreng learning apps tulad ng Duolingo, Bitsboard, Oz Phonics at Book Creator.
  • Magbasa ng audio books habang nakikinig. Mapapakinggan mo kung paano ang tamang pagbigkas, rhythm at tono ng lengwahe, matutunan mo din ang tamang grammar.
Ang pangunahing tips ni Hester Mostert:
  • Iwasang gumamit ng self-checkouts kung nasa supermarket. Ito ay pagkakataon mo para magamit at masanay ka sa pakikipag-usap sa mga cashiers.
  • Makipag-kwentuhan sa mga taxi at Uber drivers , huwag ubusin ang iyong oras sa pagpindot ng iyong mobile phone habang nasa byahe.
  • Makilahok, dumalo sa mga group activities sa mga komunidad at groups. Sa paraang ito hindi ka lang nakapag-socialise kundi na practice mo ang English language skills at napalakas mo ang kaugnayan sa komunidad. Mahalaga rin na makalabas at makisali sa komunidad.
SG Improving English - Student with dictionary and textbook
Credit: Image Source/Getty Images

Matuto Online

Tuklasin ang mga libreng online na tools sa pag-aaral tulad ng mga inaalok ng ABC at SBS.

ay tutulong sa iyo na mapabuti ang iyong kaalaman sa Ingles habang natututo tungkol sa kultura ng Australia sa pamamagitan ng video, teksto, at mga podcast.

Acronyms

* International English Language Testing System (IELTS)

* Cambridge English: Advanced (CAE)

* Test of English as a Foreign Language (TOEFL)

Share