Paano makakakuha ng TFN o ABN ang international student?

Screen Shot 2024-02-07 at 10.30.17 PM.png

How can international students apply for TFN or ABN? | Photo from ATO website

Karamihan sa mga international student sa Australia ay kumuha ng Tax File Number o TFN bago simulan ang kanilang trabaho at para rin ito sa tax return. May ilang indibidwal naman na nagtatanong kung maaari silang kumuha ng Australian Business Number o ABN. Paano ba makakakuha ng mga ito?


Key Points
  • Ang Tax File Number o TFN ay isang personal reference number para sa mga buwis at superannuation sa Australia.
  • Ang Australian Business Number o ABN naman ay ibinibigay sa mga indibidwal o grupo na nakarehistro sa Australian Business Register.
  • Sa Kwaderno episode na ito, tatalakayin natin ang mga proseso sa pagkuha ng TFN o ABN at mga paraan upang protektahan ang iyong personal reference number.
Ang "Kwaderno" ay podcast series ng SBS Filipino na nakatuon sa mga karanasan at buhay ng mga international student sa Australia. Layunin nitong magbigay ng mga impormasyon sa bawat isa na naninirahan sa bansa.

Disclaimer: Ang mga impormasyon sa podcast at artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto at ahensyang kinauukulan.

Share