Mga Pinoy Chef bida sa World Food Championships Australia 2023

Pinoy Chef Champions.png

Itinaas ng mga Filipino Chef ang bandila ng Pilipinas matapos itinanghal na kampeon sa iba't ibang kategorya sa World Food Championships Australia 2023 na ginanap sa Melbourne Convention and Exhibition Centre. Source: Chef Lyn Richardson, Chef Princess Anne Uy, World Food Championships Australia

Ipinakita ng mga Pinoy Chef ang kanilang angking galing sa pagluluto dahil nasungkit nila ang pagiging kampeon sa iba't ibang katergorya sa ginanap na World Food Championships Australia 2023.


Key Points
  • Naging kampeon ang mga Filipino Chef sa kategoryang BBQ, Cheese at Seafood .
  • Mga Pinoy Chef inaming malaking impluwensya sa kanilang narating ang kanilang mga magulang.
  • Filipino Chefs Association of Victoria may panawagan.
Ang World Food Championships Australia ay nagtatampok ng hanay ng mga kategorya kabilang ang BBQ, Seafood, Dessert, Burger, Cocktail, Cheese, at Vegetarian, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kalahok na ipakita ang kanilang mga kasanayan sa pagluluto at pagkamalikhain pati na rin ipakita ang kanilang mga kasanayan sa pinakamahuhusay na lutuin sa bahay ng Australia.

Ang kompetisyon ay kilala sa buong mundo para sa mga nagsisimula ng karera at pagbabago ng buhay.

Ginaganap ito sa Melbourne o Sydney para sa pagkakataong makapunta sa Dallas, Texas at matawag na World Champion.

Chef Princess Ann and BBQ.png
Champion BBQ category: Conchinillo and Signature Chicken BBQ with Tomato Gastrique, Apple & Ginger Salad. Source: Chef Princess Anne Uy
Manila Chicken BBQ ang nagpapanalo kay Chef Princess Anne Uy sa kategoryang Barbecue at ito ang susi niya para lumaban sa America sa darating na Nobyembre.

Chef Nanini with the winning recipe for publishing.png
Chef Eloisa Nanini Champion - Cheese Category: Leche Flan Cheesecake with Macapuno decorated with Sugar Art for crunch component garnished with Mint Leaves. Source: Lente by Jake Gelvezon
Leche Flan Cheesecake naman ang pambato ng batang chef mula Antique sa Western Visayas na si Eloisa Nanini at siya ang tinanghal na kampeon sa kategoryang cheese sa patimpalak.

Chef Lyn Richardson's Otak Otak.jp
Chef Lyn Richardson, Champion - Seafood Category: Snapper "Otak-Otak" with Lobster and Nyonya Curry Sauce, finger lime & lemon balm. Source: Lente by Jake Gelvezon
Itinuring naman ng Filipino-Singaporean Chinese na si Chef Lyn Richardson natupad ang kanyang pangarap bilang isang chef na mapatunayan na kaya niyang makipagsabayan sa maraming chef mula sa buong mundo. At ang kanyang espesyal na fish cake 'Otak Otak' ang itinanghal na kampeon sa kategoryang seafood.

Laking pasasalamat naman ang mga kampeon sa suportang ipinakita ng
Filipino Chefs Association of Victoria Inc sa kompetisyon.

World Food Championships.jpg
The Filipino champions from [Right in the front row] are Chef Princess Anne Uy, Chef Lyn Richardson, and Chef Eloisa Nanini, next in a row from the [Right] are the Filipino Chefs Association of Victoria Business mentor Alex Apawan Sy and Chef Rommel Cao, with special guest Philippine Consul General Maria Lourdes Salcedo in Melbourne, Victoria and Chef Uy's husband Marc Nacua during the 5th Long Table event in Melbourne. Source: Lente by Jake Gelvezon
Sa katunayan ginanap ang isang 5th Long Table na pinangunahan ng Filipino Chefs Association of Victoria Inc ng Business Mentor Alex Apawan Sy at Chef Rommel Cao sa Enelssie Cafe & Grill sa Melbourne.

Sa selebrasyon ibinidang muli ng tatlong kampeon na Chef ang mga panalong putahe at dessert.

Chef Rommel Cao and Business mentor Alex  Sy.jpg
Filipino Chefs Association of Victoria Inc Chef Rommel Cao and Business mentor Alex Apawan Sy during the 5th Long Table event in Melbourne. Source: Lente by Jake Gelvezon
Ayon sa dalawa, nagpapatunay lang ang tagumpay ng mga Pinoy sa larangan ng culinary dito sa Australia na tunay na magagaling ang mga ito at kayang makipagsabayan sa buong mundo.

Umaasa ang grupo na sana'y ito na ang simula ng pagkakaisa sa buong industriya hindi lang ng mga Pinoy Chef pati na ng mga nagmamay-ari ng restorant.


Share