Mga Pilipino na may natatanging kontribusyon sa komunidad pinarangalan sa Pamana Ball 2025

Filipino Ambassador for Culture and Arts

Outstanding Filipinos who have made significant contributions to the community in promoting arts, culture, and philanthropy were honoured at the Pamana Ball 2025.

Pinarangalan ngayong taon ang 19 na indibidwal bilang Ambassadors for Culture and the Arts sa ginanap na Pamana Ball 2025 sa Liverpool Catholic Club sa Sydney. Sila ay kinilala dahil sa kahusayan sa kani-kanilang larangan habang isinusulong ang kultura at pamana ng lahing Pilipino.


Key Points
  • Ang insurance expert at masigasig na community volunteer na si Joel Queyquep ang nakakuha ng pangunahing pagkilala bilang Ambassador for Culture and Arts 2025.
  • Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkakaloob din ng Hall of Fame Special Recognition na iginawad kay Doctor Jaime Lopez, isang CPA at advocate para sa edukasyon na may hindi matatawarang kontribusyon sa Filipino-Australian community.
  • Layunin ng programa na inorganisa ng NARRA Coop at Plaza Filipino na suportahan ang pagtatayo ng Australian-Filipino Cultural Centre sa Sydney.
Pakinggan ang Podcast
FILIPINO Pamana Ball 2025 image

Mga Pilipino na may natatanging kontribusyon sa komunidad pinarangalan sa Pamana Ball 2025

SBS Filipino

04/02/202508:03
PAMANA BALL 2025

Share