Key Points
- Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umakyat na sa labindalawa (12) ang bilang ng napaulat na nasawi dahil sa bagyong Nika, Ofel, at Pepito.
- Labing anim (16) ang napaulat na nasaktan at apat ang nawawala.
- Umabot sa halos 3.4 million na tao ang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Sa ibang balita, makauuwi na sa Pilipinas ang OFW na si Mary Jane Veloso na hinatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia
Inanunsiyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr kasabay ng pasasalamat niya sa bagong Pangulo ng Indonesia na si Prabowo Subianto.
Samantala, tinalakay ang mga hamon sa mga kababaihan sa kapayapaan at seguridad sa International Conference on Women, Peace and Security na ginanap sa Manila.
Australian Ambassador for Gender Equality Stephanie Copus Campbell AM was in the Philippines for the International Conference on Women, Peace and Security. She also gave a talk on 'Investing in Impact: Financing Strategies for Women, Peace, and Security Initiatives' during a discussion with the Department of Budget and Management Secretary Pangandaman, Philippine Commission on Women Chair Ermelita Valdeavilla, and UN Women Goodwill Ambassador Karen Davila. Credit: Australia in the Philippines / Australian Embassy in the Philippines
Bumisita sa Pilipinas si Australian Ambassador for Gender Equality Stephanie Copus Campbell at dumalo rin sa International Conference on Women, Peace and Security.
Aktibo siyang nakihalubilo at isinulong ang partisipasyon ng mga Filipina sa iba’t ibang larangan tulad ng sports at reproductive health.