‘Mas nakakaipon at tahimik’: Pinoy nurse, ibinahagi ang mga pagbabago sa pamumuhay sa rural Australia

312661556_10221315238258467_81238698438569046_n.jpg

Christian Paul Vidal, along with his wife Annie and son Paulo. Credit: Supplied

Sa episode ng Trabaho, Visa, atbp., kilalanin natin ang pamilya Vidal na napadpad sa rural town ng Edenhope, Victoria. Alamin ang kanilang bentahe at disbentahe ng paninirahan base sa kanilang karanasan.


Key Points
  • Parehong nurse ang mag-asawang si Christian Paul at Annie Vidal bagaman naunang maging Registered Nurse si Annie na nakakuha ng employer sponsorship sa Edenhope, Victoria.
  • Ang Edenhope ay isang rural town na karaniwang farming ang industriya at mahigit apat na oras na pagmamaneho ang layo sa Melbourne at Adelaide.
  • May mga hamon na kinaharap ang pamilya at nais na lumipat sa syudad pero natutunan nilang mahalin ang pamumuhay sa regional.
  • Aminadong mas nakakaipon ang pamilya at katunayan nakabili na sila ng bahay at lupa dito.
Paunawa: Ang mga paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa kinauukulan at lisensyadong employment o migration expert sa Australia.

Share