'Lumpia, monggo, kare-kare, kaldereta at sisig': Ilang pagkaing Pinoy bida sa Buwan ng Wika 2023 sa Melbourne

Chef Fhred  Erick Batalona and Filipino dishes.jpg

Tinaguriang 'A night of Filipino Food, Drinks, Art, Fashion and Performances' ang gaganaping Buwan ng Wika 2023 sa Melbourne sa ika-26 ng Agosto, 2023. Source: Chef Fhred Erick Batalona by Ervin Avena

Pangatlong taon ng pinangungunahan ni Chef Fhred Erick Batalona mula sa Barangay sa Melbourne ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika para ipakilala ang kultutra at iangat ang pagkaing Pinoy sa Australia.


Key Points
  • Sa pamamagitan selebrasyon hangad ni Chef Fhred Erick Batalona na maipakilala ang kultura at maiangat ang pagkaing Pinoy sa Australia.
  • Ang kanilang menu ay Vegan at angkop sa mga nagdi-diyeta o gluten free.
  • Sa pagdiriwang matutunghayan din ang performances ng mga Pinoy entertainers sa pagkanta at rap, dagdag pa ang Drag show, fashion show at artworks exhibit ng kilalang Pinoy artist na si Chloe Caday.
Tinaguriang 'A night of Filipino Food, Drinks, Art, Fashion and Performances' ang gaganaping pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 sa Melbourne, Victoria sa Sabado ika-26 ng Agosto, 2023.

Ayon kay Chef Fhred Erick Batalona isa siya sa mga Chef sa Australia na nagtataguyod para iangat ang kultura ang pagkaing Pinoy dito sa bansa.

“Our food is already great, just needs to make it look tasty. I want to highlight the flavour, and make it aesthetically pretty for people to want to eat our food because we eat with our eyes," Chef Fhred added.

Dagdag nito ngayong taon may 7-course menu ang kanilang inihahanda, may Filipino cocktails, desserts at samalamig.


Kare-Kare Skewers.jpg
Pan Seared Beef, Eggplant, Onions, and Snake Beans with a roasted peanut sauce, Kare-Kare powder paired with Bagoong (Filipino Sauteed Shrimp Paste). Source: Chef Fhred Erick Batalona by Ervin Avena
Ang Kare-kare ay isa sa mga kilalang ulam sa Pilipinas. Karaniwan itong gawa sa nilagang buntot at tuhod ng baka, ngunit para sa pagkakataong ito ginawang skewers.

SISIG BITES.jpg
Slow Cooked Pork with Sisig Sauce with Aromatics and Calamansi on a Cracker. Source: Chef Fhred Erick Batalona by Ervin Avena

Paborito din ng mga Pinoy ang Sisig. Ang orihinal na sisig ay mula sa hiniwang maskara ng karneng baboy kasama ang ilong at tainga. Nakahalo din dito ang atay ng manok, utak ng baboy, na may sibuyas at kalamansi. Subalit ngayon mayroon ng iba't-ibang bersyon ng sisig na matitikman sa bansa.
MONGGO AT KANIN.jpg
Stewed Green Mungbean with Heirloom Rice topped with Fried Kang-Kong (Water Spinach). Source: Chef Fhred Erick Batalona by Ervin Avena
Ang nilagang monggo ay laging naging paboritong pagkain ng mga Pilipino dahil simple itong gawin ngunit puno ng lasa.


Mushroom Spread at Pandesal.jpg
Mushroom spread at pandesal. Source: Chef Fhred Batalona by Ervin Avena
Ito ay bersyon ng liver spread, katulad ng Pâté ngunit ginamit ang mushroom o kabute, at toyo upang dagdagan ang lasa ng spread.

Karaniwan itong nasa lata at kinakain kasama ng tinapay o ginagamit sa mga sawsawan, ngunit sa pagkakataong ito inilalagay ang ito sa ibabaw ng housemade Pandesal.

Ang Pandesal ay isang tradisyonal na tinapay sa Pilipinas na karaniwang kinakain sa almusal ngunit maaari ring gamitin bilang tinapay para sa tanghalian o hapunan.

Lumpia.jpg
Deep Fried Vegetable Spring Rolls and Pandan Ash. Source: Chef Fhred Batalona by Ervin Avena
Ang Lumpia ay laging kasama sa mga salu-salo ng mga Pilipino at para maging malasa dinagdag ang Pandan Ash. Source: Chef Fhred Batalona by Ervin Avena
COCONUT SORBET.jpg
Coconut sorbet topped with toasted desiccated coconuts. Source:Chef Fhred Batalona by Ervin Avena
Ang Sorbetes ay isang tradisyunal na ice cream na nagmula sa Pilipinas at natatangi sa paggamit ng gata ng niyog o gatas ng kalabaw bilang mga pangunahing sangkap.

Matutunghayan din ng mga dadalo ang mga performances ng Pinoy entertainers sa pagkanta, rap at drag shows.

Barong.jpg
Barong is a Filipino traditional outfit woven with Pineapple or Abaca. This combines colonial Spanish and pre-colonial native Filipino designs. Source:Chef Fhred Batalona by Ervin Avena

Bibida din ang mga gawang Pinoy sa fashion show at Artworks ng artist na si Chloe Caday.


Umaasa si Chef Fhred na marami pang mga Pinoy ang makipagdiwang para tuklasin ang mayamang kultura at tikman ang mga mas pinasarap na pagkaing sariling atin.


"What we do is essentially allow people to discover us and also for Filipinos to rediscover our cuisine and our culture and reimagine what we could be like rather than what we can stay us forever.

For me being part of the young generation, I want to move forward, we're proud of the culture that we have but we can't do it if we gatekeep things and we don't allow voices to be heard when it needs to be heard."



Share