Ilang international students, umaapela ng transition period bago bawasan ang edad para sa Graduate Visa

Supplied_ Elaine Tacubanza (1).JPG

Some International students appeal for a transition period before imposing age limit on graduate visa. Credit: Supplied

Nanawagan ang mga international student para sa isang transition period bago ipatupad ang pagbabawas ng edad para sa Temporary Graduate visa.


Key Points
  • Isang online petition ang nailathala sa Parliamentary of Australia na naglalayong makalikom ng 20,000 pirma bago ang ika-12 ng Hunyo 2024 sa ganap na 11:59PM AEST, matapos imungkahi na ibaba ang edad ng mga aplikante ng Temporary Graduate visa 485 mula 50 hanggang 35 taong gulang.
  • Ayon sa Australian Bureau of Statistics, may 5% pagtaas sa bilang ng mga Temporary Graduate visa subclass 485 lodgements mula noong 2022. Noong nakaraang taon, nakatanggap ang Department of Home Affairs ng 105,146 aplikasyon.
  • Base sa pananaliksik na isinagawa ng Group of Eight universities at ng Council of Australian Postgraduate Associations noong 2022, humigit-kumulang 40% ng mga PhD students ay nasa edad 30 o pataas.
  • Kamakailan ay inihayag ng Home Affairs na ang eligibility age ay mananatili sa 50 para sa ilang streams ng visa, partikular para sa mga “international PhD” at “masters by research” applicants.

Share