Key Points
- Nasa 41,929 katao ang nasa kustodiya sa kabuuan ng Australia hanggang 30 Hunyo 2023. Mayroon lamang 3.42 full-time-equivalent nurses ang nagta-trabaho sa bawat 100 tao na nasa kustodiya base sa datos noong 30 Hunyo 2021.
- Ang pangangalaga ng isang nars sa pasyente ay walang pinipiling antas o estado ng buhay ng tao.
- Ang pagiging nars sa bilangguan ay may mga hamon at nagmulat din ng maraming bagay para sa Pinay nurse na si Cristine Sanz mula South Australia.
LISTEN TO THE PODCAST
Filipino prison nurse Cristine from South Australia
22:34
'An eye-opener'
"It's a unique environment and I find it interesting. It's definitely an eye-opener for me because I feel like it's a different world".
Ganito inilarawan ng nars mula South Australia ang kanyang pagta-trabaho sa bilangguan.
Mahigit limang taon nang nagta-trabaho bilang nars sa isang bilangguan sa rehiyonal South Australia si Cristine Sanz.
"The work as a nurse itself is no different because the way you treat your patients in hospitals is the same as how you treat patients in prisons," ani Cristine.
Bagaman binigyang-diin nito na "[w]alang pinagkaiba ang trabaho sa loob o labas ng bilangguan" maliban na lamang sa kapaligiran nito, maraming nars naman ang hindi tumatagal bilang prison nurse lalo na kung mahina ang kanilang loob.
“It’s a challenging environment dahil una iba-ibang tao at kaso ang mayroon sila. kaya kung medyo mahina ang loob mo, hindi ka talaga magtatagal [magtrabaho bilang prison nurse]."
"The environment may be different but I find it interesting. Although, I know it’s not for everyone."
"It gives me a chance to help people from a disadvantaged population."
"Marami sa mga clients namin sa prison ay mga pasyente sa community na usually hindi nakakapunta sa doktor o matagal na silang hindi na-check ng medical professional."
Mga hamon
"We get clients from all walks of life with varying conditions. From simple illnesses to very complex ones," kwento ni Cristine na mula sa pagpasok ng isang bilanggo, sinusuri na nila ito.
"Sa pagpasok nila sa prison, dadaan sila sa amin sa health department. We do our full assessment of them and that's where we learn of their health needs."
Inihayag din ng nars na dalawa sa pangunahing ugat ng pangangailangan sa kalusugan ng mga pasyente sa bilangguan.
"Sa prison system, dalawa ang itinuturing namin na pinakamalaking area ng pangangailangan nila - ito ang mental health at substance abuse."
Across Australia, there were 42,274 persons in custody in the December quarter of 2023 according to the Australian Bureau of Statistics. South Australia has 2,995 prison population total (including pre-trial detainees/remand prisoners) as of 30 June 2023. Credit: SeventyFourImages/Envato
"Noong una medyo nahirapan ako how to deal with the mental health issues ng mga pasyente."
"Lalo na may ilang mga pasyente na pagpasok nila sa kulungan medyo high pa sila sa drugs, so iba talaga 'yung behaviour nila. Doon ako natatakot noong una."
Dagdag niya na sa pagdaan ng araw, natutunan na nito kung ano ang mga dapat na gawin at sa tulong na rin ng mga kasamahan at mga eksperto sa mental health.
Hamon din, aniya, sa kanilang trabaho na maraming iba pang ahensya na kailangan nilang makipagtulungan bago ganap na maiabot ang kanilang serbisyo sa mga pasyente.
"Ang nakikita kong challenge working as a prison nurse is that you're not only working with the protocol of the South Australian Prison Health but also working closely with the Department of the Correctional Services protocols."
"Kailangan mong makipagtulungan sa kanila para maayos ang schedule nyo. Kasi 'yung logistic lang ng paglipat ng prisoners mahirap na. Hindi pwedeng pagsamahin sa iisang clinic ang mga bilanggo na mula sa magkakaibang security level."
Kulang ang bilang ng mga nars
Inamin ni Cristine na tulad ng mga hamon sa mga malalaking ospital at iba pang klinika sa labas ng mga bilangguan, malaki rin ang kakulangan sa bilang ng mga nars na mga bilangguan tulad kung saan siya nagta-trabaho.
"Kulang talaga sa mga nurses dito sa South Australia kasama na ang kakulangan sa prison system," aniya.
Ayon sa datos noong 30 Hunyo 2023 mula sa , 41,929 katao ang nasa kustodiya sa kabuuan ng Australia. Sa bilang na ito, 2,995 ay nakakulong sa South Australia; 12,691 sa New South Wales at ACT; 6,440 sa Victoria; 2,106 sa Northern Territory; 10,226 sa Queensland; 6,718 sa Western Australia; at 751 sa Tasmania.
Sa bilang naman ng mga nars sa mga klinika ng bilangguan sa buong Australia, tanging 3.42 full-time-equivalent nurses ang nagta-trabaho sa bawat 100 tao na nasa kustodiya hanggang 30 Hunyo 2021 ayon sa .
"Ang nakikita kong isang problema sa prison system marami ang na-i-intimidate dahil sa environment that we’re working in. Kaya maraming mga nurse ang medyo natatakot kasi hindi nila alam what do we do inside the prison. Wala silang idea."
Binanggit ng South Australian nurse na "kaya marami kaming applicants din na nurses na pagpasok hindi nagtatagal, kasi 'yung work namin as prison nurse is not for all."
Bukod sa mismong trabaho bilang nars, marami pang ibang bagay na dapat isa-alang-alang bago talaga masuri ang isang pasyente sa klinika sa bilangguan.
"Kailangan ding i-consider ang schedule ng mga pasyente at iba pang mga personal na kailangang gawin ng mga bilanggo, gaya ng court hearing at pati na rin ang antas ng seguridad ng bawat isa," pahayag ni Cristine.
'Dalawang mundo'
Sa mundong kanyang ginagalawan sa klinika sa bilangguan, puno ng tapang sa pagharap ang South Australian nurse na si Cristine.
"Medyo nakaka-cope ako ng maayos. Naiiwan ko kung anomang isyu sa trabaho, iniiwan ko sa trabaho. Ganundin ang mga problema sa bahay, iniiwan ko sa bahay."
"Alam ko kasi na magka-iba ang environment ko sa trabaho at sa bahay."
"On my days off, I try to do as many normal things as possible. I go out and meet with friends."
Bago lumipat ng Australia, mahigit tatlong taong nagtrabaho bilang nars sa isang pribadong ospital sa Pilipinas si Cristine.
Matapos maipasa ang kanyang bridging course sa South Australia para maging registered nurse, nagtrabaho ito sa isang General Practice. Tatlong taon siya doon bago naging prison nurse.
"There was an opening for a nurse in a regional prison, and I thought why not try it? It's a different environment and it turns out I like it."
Sa mahigit limang taon bilang prison nurse ni Cristine marami na itong napagdaanan nagta-trabaho bilang nars sa bilangguan at sa tingin niya sa ngayon wala itong planong lumipat sa ibang ospital.