'Felt like I'm home': Karanasan ng mga kababayan sa pagdalo ng Filipino Food Movement festival sa Sydney

FILOFOMO festival 2023 in Paddy's night market in Flemington Sydney.jpeg

Filipino Food Movement Festival 2023, Paddy's Night Market in Flemington Sydney. Source: SBS

Barbecue, isaw, biko, ice candy, palabok, puto bumbong, ensaymada at halo-halo, ilan lang ito sa mga pagkaing pinilahan at tinikman ng mga kababayang pumunta sa Paddy's night food market sa Flemington Sydney.


Key Points
  • Filipino Food Movement Australia nanguna sa ginanap na Filipino night food market sa Flemington, Sydney.
  • Pasko ang tema sa ginanap na Filipino Food Movement Festival 2023.
  • Layunin ng Filipino Food Movement Australia na suportahan ang mga kababayang business owners para maipakilala at maiangat ang pagkaing Pinoy sa Australia.
Dagsa ang mga kababayan sa ginanap na Filipino Food Movement Festival sa Paddy’s night food market sa Flemington Sydney.

Takam na takam sila na tikman ang pagkaing nakasanayan sa Pilipinas na nabibili sa pagdiriwang.
Barbecue, isaw atbp.jpg
Pinoy street foods, barbecue, isaw atbp. Source:SBS

Ayon sa founder at presidente ng Filipino Food Movement Australia na si Anna Manlulo hindi lang ito karaniwang pagdiriwang at pagpapakilala sa mga pagkaing Pinoy kung hindi gustong ibida ang Paskong Pinoy sa Australia

Anna Manlulo and FILOFOMO team.jpg
Founder-President Filipino Food Movement Australia Anna Manlulo and FILOFOMO team. Source: SBS
"We are here to celebrate Filipino food and it is approachable and delicious, at maraming variety hindi lang lechon hindi lang barbecue , may biko may palabok. May mga menu na hindi nila ginagawa sa kanilang restorant," sabi ni Manlulo.

Layunin ng grupo na i-showcase ang talent at pagkaing Pinoy sa mga bagong henerasyon.
Ube desserts.jpg
Ube desserts of Mrs. Ube. Source: SBS
Kasama ng barbecue, nariyan din ang palabok at ang kakanin na Puto Bumbong.
Special Putobumbong, barbecue and palabok.jpg
Special puto bumbong, barbecue and palabok by FiloStation.Source : SBS
Samo't saring mga desserts din ang inihahanda ng mga kababayan para lang matikman ng mga dumalo. Tumatak sa event ang iba't ibang klase ng dessert na gawa sa ube.

Ube sweet delights.jpg
Filipino ube dessert. Source SBS
Agaw eksena ang bagong stall na pinipilahan ng marami ni Hanna Lou mula Dumaguete na tinawag na Lou Confections dahil sa bentang ice candy at mga Pinoy desserts.

Kwento ni Hanna noong una ay hobby lang nito ang pagba-bake lalo't nahinto ito sa pagtatrabaho dahil walang maiiwan sa anak. Hanggang sa naisipang gawing mapagkakitaan.
Lou Confections sweerts and desserts couple..jpg
Baker Hanna Lou and husband of Lou Confections sweets and desserts, showcases ice candy during FILOFOMO festival in Flemingtong night market. Source: SBS
Swak sa panlasang Pinoy ang stall ng Biko ni Lolo ng pamilya ni Donna Baron kaya pinipilahan ng mga kababayan.

Sabi ni Donna ang kanilang Biko ay hango sa pagluluto ng biko mula sa Pangasinan kung saan nagmula ang pamilya ng kanyang ama.
Biko ni Lolo with latik.jpg
Donna and son Seth Baron showcase their homemade biko with latik of Biko ni Lolo. Source: SBS
"Pagdating namin noon na-miss talaga namin ang biko kaya nung dumating dito ang parents ko ginawa namin at nag innovate kami, yong biko na may latik at nagustuhan naman ng mga kababayan kahit ibang lahi kaya ilang taon na din kaming nagde-deliver ng biko sa mga Asian shops," kwento ni Donna.
Australian Laurenn loves Filipino desserts.jpg
Other ethnic backgrounds embrace the taste of Filipino desserts. Source: SBS
Kahit ibang lahi na dumalo sa event inaming nagustuhan din nila ang lasa ng pagkaing Pinoy, tulad ng barbecue at dahil sa mahilig sila matatamis, si Lauren na isang Australian bumili ng panghimagas.

'I love Filipino sweets, for a long time I have had Filipino friends who introduced sweet spaghetti from then on I learned to love all Filipino food and sweets."
Chan Family.jpg
Diana, Naz and daughter Valerie Chan enjoyed the food and are proud to be Filipinos. Source: SBS
Isa sa mga first -timer na dumalo sa mga pagdiriwang ang pamilya nila Diana at Naz Chan mula Lane Cove sa Sydney, bitbit pa nila ang kanilang 7-taong gulang na anak na si Valerie.

Kwento ng pamilya sulit at mahalagang yugto ito sa buhay nila at ng kanilang anak dahil sa unang pagkakaon nakita nito ang bahagi ng kultura mayroon ang Filipino dito sa Sydney.
Tootsie Aseron.jpg
Mrs. Supermodel Worldwide 2023, Kristine Tootsie Aseron Santos, applauded the Filipino Food Movement Australia for making the event possible, as it brought her back home through food and helped ease homesickness.
Nagpapasalamat naman ang beauty queen na si Mrs. Supermodel Worlwide 2023 Australia Kristine Tootsie Aseron Santos sa magandang event.

"Oh my , I felt like I am home in the Philippines. I just hope more event like this because nakakawala ng homesickness lalo na ngayong panahon ng Pasko," dagdag kwento ng beauty queen.
Filipinos enjoying the food..jpg
Filipinos enjoying the food during the FILOFOMO festival in Flemington, Sydney. Source: SBS
Ang event ay hindi lang pagpapakilala sa masasarap na pagkaing Filipino naging paraan din ito para magsalu-salo o magbonding ang magkakaigan, pamilya at mga kakilala.
OZManila and Pinoy DownUnder rappers.jpg
Arvin Manuel of OZManila and Pinoy DownUnder rappers showcase their talents. Source: SBS
Nakisaya at nagpakita din ng kanilang angking galing ang ilang Pinoy Artist sa ginanap na event, tulad ng mga rappers.

Hinihikayat din ng bumubuo ng Filipino Food Movement Australia ang mga bagong food business enthusiasts na makilahok sa ganitong mga pagkakataon para mas maipakilala at mai-angat ang pagkaing Pinoy sa Australia. At umaasang mas maging madalas ang ganitong mga pagdiriwang.


Share