Key Points
- Aabot sa 450,000 ang bilang ng mga nurses and midwives sa Australia na pinakamalaking sektor sa manggagawa sa kalusugan.
- Ang magkaibigang Mark Maranan at Francis Antoque na nurse mula sa Victoria ay nagtayo ng bubble tea shop.
- Ang nurse mula Queensland na si Kristina Fernandez ay nagtayo naman ng cafe malapit sa isang ospital.
How to listen to this podcast Source: SBS
Pero kahit mabigat ang trabaho lalo't sa gitna ng pandemya, hindi napigilan ang ilang nurse sa Australia na gawin pa ang ibang bagay na makapagpapasaya sa kanila at magbibigay ng dagdag na kita.
Lakas loob na nagsimula ng negosyo ang nurse mula sa Victoria na si Mark Maranan katuwang ang business partner at kapwa nurse na si Francis Antoque.
Halos apat na taon pa lamang sa Australya ang dalawa pero itinaguyod na ang negosyo ng bubble tea shop na Boba Central sa Ballarat.
We have decided to open a business in Ballarat because during those times that we are in Geelong we are wanting to do business just for another income because were supporting loved ones in the Philippines.Mark Maranan
Mahilig ang dalawa sa bubble tea kaya ito ang naisip nila lalo't wala pang masyadong kompetisyon sa lugar.
Ayon kay Francis, natakot sila sa umpisa dahil wala silang alam sa negosyo pero itinuloy na din nila para masubukan.
"There was really a big fear and hesitation at first we were really thinking about it multiple times, we slept on it we prayed for it kasi it is really a big risk in jumping into a new business, especially for us, we don't have knowledge about business, even in the Philippines, we don't have any business experience," saad ni Francis.
Mark Maranan manning their bubble tea shop Boba Central in Ballarat, Victoria.
Ang Three Shots Cafe ay binuksan ni Kristina Fernandez kasama ang kanyang asawa at isa pang kaibigan.
All of us doesn't have any barista experience and no business experience, I want to inspire people that you don't have to be a professional to start a passion.Kristina Fernandez
Nagkaroon din ng pagkakataon ang kanilang cafe’ na magdeliver sa pinakamalapit na ospital na dating pinagtrabahuhan ni Kristina.
Malaking bagay anya na maikonekta niya ang pagmamahal sa trabaho bilang nurse gayundin ang kanyang pagkahilig sa kape.
"I didn't realise that it will be an opportunity for us to provide dun sa mga colleagues ko na mga nurses and doctors and they always say na pag nagdedeliver kami ng coffe sa kanila, it brightens their day, its saves the day for them yung mga doctors sa theatre," kwento ni Kristina.
Three Shots Cafe owners Francis and Kristina Fernandez.