Kwaderno: Isang podcast series tungkol sa mga international student sa Australia

Filipino international students

SBS Filipino offers a new podcast series that aims to guide international students in Australia.

Iba't ibang karanasan at paraan ng pagpupursigi — ganito mailalarawan ang sitwasyon ng mga international student sa Australia. Layunin ng bagong podcast series na ito na magabayan ang mga international student sa bansa habang ibinabahagi rin ang kanilang kwento.


Key Points
  • Noong Enero hanggang Setyembre 2023, nakapagtala ang Australian Government Department of Education ng 746,080 international students at patuloy pa itong nadaragdagan.
  • Sa pagsisimula ng 2024, maraming bagong international student ang makikipagsapalaran sa Australia.
  • Sa bagong podcast series mula sa SBS Filipino, hangad nitong gabayan ang mga international student sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tamang impormasyon.
Ang "Kwaderno" ay podcast series ng SBS Filipino na nakatuon sa mga karanasan at buhay ng mga international student sa Australia. Layunin nitong magbigay ng mga impormasyon sa bawat isa na naninirahan sa bansa.

Disclaimer: Ang mga impormasyon sa podcast at artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto at ahensyang kinauukulan.
RELATED CONTENT:
Mga hamon at karanasan ng mga International Students image

Paano hinaharap ng mga international student ang mga hamon sa paninirahan sa Australia

SBS Filipino

09/01/202310:33

Share