Mahahalagang isyu para sa mga komunidad sa regional Australia ngayong eleksyon

WAGGA WAGGA, regional area, housing affordability, cost of living

Members of the Filipino community in Wagga Wagga, New South Wales expressed their concerns Source: SBS

Pabahay, mataas na gastusin sa pang-araw-araw, childcare at tulong sa maliit na negosyo - ilan lamang ang mga ito sa mga pangunahing isyu na inilahad ng mga miyembro ng komunidad Pilipinong nakatira sa regional Australia na dapat umanong bigyang pansin ngayong eleksyon.


Pakinggan ang audio

LISTEN TO
Australia's regional migrant communities call for more support  image

Mahahalagang isyu para sa mga komunidad sa regional Australia ngayong eleksyon

SBS Filipino

18/05/202214:56
 


Highlights 

  • Mga polisa sa pabahay ang mainit na tinatalakay ng mga kandidato nitong huling linggo ng kampanya bago ang pederal na halalan sa Mayo 21.
  • Para sa mga nakatira sa regional Australia, bukod sa pabahay, dapat din tutukan ng mga politiko ang pang-araw-araw na gastusin, tulong sa mga maliliit na negosyo at mga serbisyo.
  • Bukod sa mga plataporma, sinusuri din ng mga botante ang kredibilidad, integridad at mga pangako ng mga kandidato at partido.

Pabahay at childcare

Abot-kayang pabahay ang isa sa patuloy na malaking isyu sa pangangampanya ng mga partido bago ang eleksyon sa darating na Mayo 21.

Pero para sa mga rehiyonal na komunidad tulad ng Wagga Wagga, New South Wales, marami pang dapat na tutukan ang mga politiko. 

Malapit sa pamilya ni Delia Freeman ang isyu ng pabahay lalo na't may mga anak ito na sumusubok na makabili ng bahay sa mga panahong ito.

"Housing affordability is already very high. People can’t afford it. I’ve got kids trying to get into the market, and they are finding it difficult to save for a deposit," ani Delia.
Regional NSW Federal Election
'One issue is housing affordability. I’ve got little grandkids that go to daycare – that’s also very expensive; the cost of living at the moment - just basic essentials like food and fuel – has rocketed.' Source: SBS
Pero bukod sa pabahay, dapat ding tignan ang gastos sa child care ayon sa semi-retired hospital worker na 30taon nang nakatira sa Wagga Wagga.

"I’ve got little grandkids that go to daycare – that’s also very expensive."

Napakamahal din umano ng mga gastusin para sa pang-araw-araw gaya ng pagkain at gasolina.

Andyan din umano ang hindi sapat na naipon ng mga nagreretiro para matugunan ang kanilang pangangailangan sa kanilang pagtanda.

Naniniwala naman ang kasalukuyang MP para sa rehiyon ng Riverina na si Michael McCormack na isang pambansang isyu ang pabahay, pero hindi naman ito ang pangunahing isyu partikular sa mga regional areas tulad ng Riverina region.

"We're working to make sure that more people get their first home with 164,000 Australians got into their first home last year through the government's Home Builder program which also help thousands of people either to renovate or get their houses upgraded," ani ng Riverina MP.
Australian Federal Election 2022
Riverina MP Michael McCormack Source: SBS
Dagdag nito na para sa mga rehiyonal na lugar gaya ng Wagga Wagga, mas malaking problema ang suplay ng lupa kaya hiling nito sa mga local council na magkaroon ng mas maraning development.

Nauna nang inilatag ni Opposition Leader Anthony Albanese ang panukala ng partido Labor na "Help to Buy" scheme sakaling manalo ito sa darating na eleksyon.

Ang Help to Buy policy ng Labor ay tutulong sa mas maraming tao na mas maagang makabili ng bahay sa pamamagitan ng pagkaltas ng hanggang 40 percent ng halaga ng bahay.

Mas maliit na deposit ang kailangan para sa mga gustong bumili ng bahay at mas maliit na mortgage at mas mababang mortgage repayments.

Samantala, nitong nagdaang Linggo, inihayag ni Prime Minister  Scott Morrison ang tinatawag nito na "game changer" - ito ang bagong Super Home Buyer Scheme, kung saan makaka-access ang mga tao ng hanggang $50,000 ng kanilang superannuation savings para sa pagbili ng kanilang unang bahay.

Image

Tulong sa mga maliliit na negosyo at mababang pasahod

Para sa Filipino shop owner mula Glenfield Park na si Renato Silvestre, malaking tulong ang ayuda na binibigay ng gobyerno sa maliliit na negosyante tulad niya lalo na noong panahon ng pandemya. Umaasa ito na maitutuloy ito ng susunod na administrasyon.

"Kahit sinoman ang manalo sana maituloy nila ang tulong at madagdagan pa para sa mga nagsisimulang maliliit na negosyo para mapanatili ang operasyon nila," anang retiradong si Renato.

Sang-ayon naman dito ang first-time voter na si Annabelle Regalado-Borja. 

"Sana magkaroon pa ng dagdag na plataporma para lalong matulungan ang mga migranteng tulad ko na may maliit na negosyo," anang music teacher at producer.

Binatikos naman ng kandidato ng Partido Greens para Riverina na si Michael Organ ang kasalukuyang pamahalaang Koalisyon at sinabi nito na sa kabuuan patuloy na mababa ang pasahod sa Australia.

"We've had a Coalition government who has a policy of keeping wages low. If there's not much money in the pocket, how will businesses operate? You have to have good wages so that people can spend; businesses are profitable," ani Michael Organ.

Sinang-ayunan din ng Riverina Labor candidate na si Mark Jeffreson na tunay ngang mababa ang sahod sa Australia.

Aniya ang kasalukuyang polisa ng pamahalaang gobyerno ay panatilihing mababa ang sahod, bahagi umano ito ng "economic architecture" ng Koalisyon. Dagdag niya na dapat na mabago ito.

"When we do spending and when grants are issued, they [should] be done on the basis of what the community need," ani kandidato ng Labor.
Australian Federal Election 2022
Labor candidate for Riverina Mark Jeffreson. Source: SBS

Araw-araw na gastusin at climate change

Aminado naman si Michael Organ ng partido Greens na patuloy ang pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw at ito'y magpapatuloy aniya na haharapin ng buong mundo lalo na sa mga nangyayaring gulo sa Ukraine at Russia.

Dagdag din nito na ang problema sa mga gastusin sa araw-araw ay nakakabit din sa usapin ng climate change.

"Cost of living and climate change are two important issues, and they are kind of connected."

"We have seen the rise of fuel prices and out here it has almost doubled in price," at dagdag nito na malaking ang epekto nito para sa mga rehiyonal na lugar.

"That has a major impact in particular for regional areas as for people in the cities, they can just take the public transport while out here {regional area] we have to drive half an hour to drive your kids to school, and that would cost $50 - $70 extra to drive kids to school."
Australian Federal Election 2022
'The cost of living is somewhat connected to climate change,' says Greens' Michael Organ Source: SBS
Mga serbisyo at mental health

Malaking bagay din ang higit na akses sa mga pangunahing serbisyo para sa mga rehiyonal na komunidad ng Australia. 

Ayon sa English teacher na si Jane Bardos, maraming mga refugee ang dinadala sa mga rehiyonal na lugar kaya naman importante ang higit na akses para sa mga serbisyo para sa mga migrante at refugee tulad ng mga serbisyo ng tagapagsalin, pagtuturo at pangkalusugan.

Hiling niya na sana'y madagdagan din ang mga pampublikong hospital partikular sa kanilang lugar sa Wagga Wagga para "sana merong pagpipilian ang mga tao, at saka para mabawasan 'yung waiting time para sa mga higit na kailangang operasyon."

"Naranasan naming maghintay sa emergency ng mahigit 16 oras para kami'y matignan, kaya sana magkaroon ng dagdag na ospital pa," kwento ni Jane.
Australian Federal Election 2022
'Better access to services like hospital and teachers for new migrants and refugees so they can better settle in the community' Source: SBS
Malapitang isinusulong din ng Riverina MP na si Michael McCormack para sa mga regional area tulad ng Wagga Wagga, ang serbisyo para sa mental health lalo na para sa mga migrant at refugee communities.

"Sometimes the refugees that come to these refugee centres, not only they need goo interpreters. They also need good mental health care. They have experienced things that they should not have experienced. They have been separated from their families and are torn apart. That's very hard for mental strain," ani McCormack.

Kredibilidad at integridad ng mga kandidato

Sa mga isyung patuloy na pinag-uusapan nitong eleksyon, para sa bagong botante tulad ng music teacher at producer na si Annabelle Regalado-Borja, malaking bagay na pag-aralang mabuti ang track record ng isang kandidato at partido para sa pagpili nito kung sino ang kanyang iboboto.

Bukod sa kredibilidad, mga nagawa, dedikasyon at komitment, importante ding tignan ang plataporma at integridad ng mga politiko ayon naman sa guro na si Jane Bardos.

Ang Riverina region ay isa sa mga electorate ng Australia kung saan pang-lima ang mga Pilipino sa dami ng mga migranteng nakatira sa rehiyon. 

At nito ngang halalan, mahalaga para sa ating mga kapwa Pilipino na hindi lamang bumoto kundi piliin ang kandidato o partido na makakapagbigay ng maayos na mga progrma at proyekto na makakatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Share