Key Points
- Kontribusyon ng mga Asian-Australian kinilala sa '40 Under 40 Most Influential Asian Australian Awards'.
- Ang Vietnamese-Australian lawyer na si Tu Le, ang hinirang na overall winner.
- Ang Environment and climate lawyer na si Matthew Joseph Floro ang nanalo sa Legal and Professional Category.
LISTEN TO THE INTERVIEW
Asian Aust Awards Nobel prize in physics & medicine
13:57
Isang seremonya nitong ika-4 ng Oktubre, nakuha ng Vietnamese-Australian lawyer na si Tu Le, ang pinakamataas na rekognisyon sa '40 Under 40 Most Influential Asian Australian Awards'.
Ang 31-anyos na abogado ay nagtrabaho sa isang domestic and family sexual violence legal service, nag-coordinate ng isang law service para sa mga pinagsasamantalahang migranteng manggagawa at isang lider sa Vietnamese Buddhist Youth Association.
Pagsusulong ng batas para protektahan ang kapaligiran
Kasama din sa mga nanalo ang Senior Environmental, Planning and Administrative Lawyer na si Matthew Joseph Floro na may pinagmulang Pilipino.
Kinilala ang 31-taong gulang na abogado sa kanyang mga gawa at pagtataguyod sa sektor ng batas sa kapaligiran at klima.
Hindi ito ang unang pagkilala sa abogado mula kanlurang Sydney. Pinangaralan din ito bilang 2022 Mahla Pearlman Australian Young Environmental Lawyer of the Year noong Hulyo 2022.
Siya ay nagtatrabaho bilang Special Counsel sa Environmental Defenders Office (EDO), nagbibigay-payo ito sa mga batas kaugnay ng kapaligiran, pagpaplano, climate change at administrative law.
Sa kanyang tungkulin sa EDO, pinangunahan ni Floro
ang ilang serye ng mga kaso kaugnay ng climate laws na itinuturing na makasaysayang panalo na nagpabago na legal na hanay ng climate laws sa Australia, kung saan nagpasaya ang korte na may tungkulin ang Environmental Protection Authority ng New South Wales na protektahan ang mga komunidad ng NSW mula sa mga epekto sa klima.
Naging parte rin ito ng tagumpay ng EDO sa hamon sa High Court kung saan matapos ng pitong taon ng mga legal action, naipanalo nito ang kaso para sa proteksyon ng Bylong Valley mula sa isang napakalaking bagong minahan ng coal sa NSW.
Ganundin sa landmark na panalo sa pagtutol sa panukalang Rocky Hill coal mine. Ito ang unang pagkakataon na tinanggihan ng isang korte sa Australia ang isang Fossil fuel development na bahagyang base sa dahilang greenhouse gas emissions at mga epekto ng climate change.
US physicist John Clauser poses in his home in California, after winning the Nobel Prize for physics along with Austria's Anton Zeilinger and Frenchman Alain Aspect. Source: AFP / REMI VORANO/AFP via Getty Images
Nobel Prize para sa Physics at Medisina
Tatlong siyentipiko naman ang magkakasamang nanalo ng 2022 Nobel Prize in Physics sa kanilang mga pagsulong sa quantum mechanics.
Kinilala ang mga siyentipiko na sina Alain Aspect, John Clauser at Anton Zeilinger.
Ang kanilang pananaliksik sa galaw ng mga subatomic particles ay nagbigay daan para sa mga super computer at naka-encrypt na komunikasyon.
Samantala, ang Swedish scientist na si Svante Paabo ang tumanggap ng Nobel Prize in Medicine.
Ang direktor ng isang German institute for evolutionary anthropology ay kinilala sa kanyang mga gawa para sa transpormasyon ng pag-aaral ng DNA sequences mula sa mga archaeological at paleontological remains na nakatulong para sa pag-unlock ng genetic secrets ng ebolusyon ng tao.
Inaabangan tuwing Oktubre ang mga parangal ng Nobel Prize sa iba't ibang larangan.
How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino