Gaano kaligtas ang Australia sa JN.1 variant na sanhi ng pagtaas ng mga kaso ng COVID sa bansa?

Sumipa ang mga kaso ng COVID-19 sa ilang mga estado ayon sa ulat ng health authorities dahil sa JN.1 variant. Alamin kung paano magiging protektado.

An artwork depicting a new COVID variant and COVID vaccines.

Experts say JN.1 can evade our immune system even if we are vaccinated or have have had COVID recently. Source: SBS

Matapos ang halos apat na taon nang magsimula ang pandemya ng COVID-19, —at pati na rin sa buong mundo.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, inilarawan ng World Health Organization (WHO) ang JN.1 bilang isang.

Ngayon, sinasabi ng mga eksperto na ito ay nagiging pangunahing uri na, kung saan ang NSW at Victoria ay nag-uulat ng kamakailang pagtaas ng mga kaso at hospitalisasyon.

Mas mababa naman sa iba pang mga estado ang tala, kung saan ang Western Australia ay nag-ulat ng mas kaunting kaso sa panahon ng pagtatapos ng Disyembre at ang Queensland ay nakakakita ng mas mahaba at patuloy na pagtaas ng mga kaso mula pa noong Oktubre 2023.

Dahil ang virus na sanhi ng COVID-19, ang SARS-CoV-2, ay patuloy na nagbabago at nagmu-mutate, lumilitaw ang mga bagong variant na nakakahanap ng paraan para mas mahusay na iwasan ang ating immune system.

Ano ang mga dapat malaman tungkol sa JN.1?

Ang JN.1 ay nagsimula mula sa Omicron variant BA.2.86, na kilala bilang Pirola, na kumalat noong natuklasan ito noong Hulyo 2023, ayon kay Professor Adrian Esterman, isang epidemiologist mula sa University of South Australia.

"It was so different to the other Omicron sub-variants," saad nito sa SBS News.

"It was a major shift."

Bagaman sinabi ni Esterman na may maagang mga alalahanin noong panahon na maaaring maging pangunahing variant sa buong mundo ang BA.2.86, hindi ito nangyari.

"Even though it was more transmissible than other variants, it had this problem that it couldn't take off because it had more trouble sticking to its cells," he said.

"Shortly afterwards, it mutated."
Ang virologist na si Stuart Turville mula sa Kirby Institute ng University of New South Wales ay nagsabi na ang nagtatakda ng JN.1 bilang isang sub-lineage ng BA.2.86 ay isang "single change" sa spike protein ng virus — ang lugar kung saan kumakapit ang virus sa mga selula.

"That's typically an area where antibodies are found, and they can prevent the virus from infecting cells. By changing that singular amino acid, it makes the virus a little more slippery, and a little better for the virus to navigate around."

Sinabi ni Esterman na ang pag-mutate ng spike protein na ito ay nagdudulot ng pangamba.

"It's allowing JN.1 to better evade our immune system," dagdag nito.

"So even if you've recently had COVID-19 or been vaccinated, it has made it much easier for JN.1 to infect you. This is why we're seeing it now starting to dominate around the world."

Mas nakakahawa ba ang JN.1? At mas malala ang epekto?

Sinabi ni Esterman na ang mga sub-variants tulad ng JN.1 mas mabilis na makahawa — ngunit hindi gaanong kalala ang epekto.

"Real-world data shows that [JN.1] doesn't appear to be more severe, but some lab data shows it could be," he said.

Binanggit din ni Turville na ang mga unang ulat ay nagpapahiwatig na ang JN.1 "ay hindi gaanong kalakas ang kumpara sa iba pang mga variant na nasa sirkulasyon".

"Severity is always a really tricky question ... it's important to compare like with like, and the only thing we can compare it with at the moment is the pre-existing XBB Omicron that was circulating at the back end of 2023."
Inilarawan niya ang JN.1 bilang "virologically very interesting" ngunit iginiit na marami pa tayong hindi alam tungkol dito.

"I don't think we really understand what it's doing yet," he said.

"But we certainly know that it has an advantage of being transmitted very well."

Paano kumakalat ang JN.1 sa Australia - at sa buong mundo?

Sa Estados Unidos, tinatayang ang JN.1 ay sanhi ng higit sa 60 porsyento ng mga kaso ng COVID-19, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Noong unang bahagi ng Nobyembre ng nakaraang taon, ito ay mas mababa sa 5 porsyento.

Ibinigay diin ni Esterman na mahirap maunawaan ang kabuuan ng epekto sa Australia dahil sa kakulangan ng kumprehensibong datos ng COVID-19.

"It's very difficult to get hold of the actual numbers," he said.

Noong nakaraang linggo, ipinakita ng mga awtoridad sa kalusugan ng NSW na ang pagsusuri ay nagpapakita na ang bahagi ng mga kaso ng JN.1 ay mabilis na tumaas mula sa huling bahagi ng Nobyembre 2023 at patuloy na nagtaas hanggang Disyembre.
Ngayon, ito ay bumubuo ng higit sa isang ikatlong bahagi ng mga kaso ng COVID-19 sa estado.

Ang bilang ng mga taong dumadating sa mga emergency department na may COVID-19 kada linggo sa NSW ay nadagdagan ng 1,400, kung saan may humigit-kumulang na 400 ang nai-admit.

Naglabas ng babala ang mga opisyal ng kalusugan sa Victoria ukol sa pagtaas ng mga kaso ng JN.1, na nagsasabing ito ay agad na naging pinaka mabilis kumalat na sub-variant base sa mga sample ng wastewater.

Ang bilang ng mga taong naka-admit sa ospital na may virus sa Victoria ay nadagdagan ng 377 sa loob ng isang pitong-araw na panahon.

Nagsabi naman si Queensland Chief Health Officer John Gerrard na sa halip na isang solong peak sa mga impeksiyon, tila ang pagkakaroon ng dalawang sub-variant ang nagdulot ng magkasunod na mga pagtaas ng kaso sa kanilang estado.

Ang mga hospitalisasyon ng COVID-19 sa Queensland ay nagsimula nang tumaas noong kalagitnaan ng Oktubre ng nakaraang taon, na una'y dahil sa XBB.1.5 sub-variant, at lumitaw ang JN.1 noong Disyembre at mula noon ay naging dominanteng variant.
Inilarawan ni Federal Health Minister Mark Butler ang pag-akyat ng kaso ngayong tag-init bilang bahagi ng "karaniwang siklo" ng mga surge na sanhi ng mga bagong sub-variant ng Omicron.

Noong ika-9 ng Enero, sinabi ni Butler na malamang na nag-ambag sa mabilis na pagkalat nito ang panahon ng pagsulpot ng nasabing variant at ang pagdami nito sa panahon ng kapaskuhan.

"It's not surprising, really, given the degree to which people come together over the Christmas and New Year period," saad nito.

"Hospitalisations are up, there was also a reasonable increase in infections in aged care facilities that we're monitoring closely as well."

Binanggit niya na ang epekto sa sistema ng ospital at bilang ng namamatay ay nananatiling mas mababa kaysa noong nakaraang taon.

Nakakatulong ba ang kasalukuyang mga bakuna?

Mula pa noong Disyembre, may access na ang mga Australyano sa mga na naka-target sa partikular na sub-variant ng Omicron.

Sinabi ni Esterman na tila ang bakunang ito ay nagbibigay ng "napakagandang" cross-immunity laban sa mga bagong sub-variant na BA.2.86 at JN.1.

"The current vaccines based on XBB.1.5 are effective in reducing hospitalisations and deaths," giit nito.

"They're still similar enough that the vaccine still gives good protection."

Noong Disyembre, inirekomenda ng grupo ng WHO na nagbibigay payo sa COVID-19 vaccine na panatilihin ang monovalent na XBB.1.5 bilang kasalukuyang antigen ng bakuna.
A chart showing COVID vaccine booster rates.
Latest data from the federal Department of Health, published in December 2023, showing booster rates among different age groups. Source: SBS
Pagdating sa mas malawak na pananaw, ipinunto ni Turville na ang mga booster ay hindi palaging kailangang "ma-match kung ano ang nasa komunidad."

Sinabi nitong, "It would be ideal, but it's not pragmatic to do that."

Ipinaliwanag ni Turville ang konsepto ng "cross-reactive immunity", kung saan ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga antibody na nakakakilala sa mga bagong variant ay maaari ring kumapit sa orihinal na variant.

"What we see is that purely over time, the immune response[s] of these antibodies are qualitatively getting better ... they're being able to recognise more and more variants over time," dagdag nito.

"That's a good news story with respect to what we're seeing in the population."

Ngunit nagdulot ng pangamba si Esterman na ang mga Australyanong may edad na higit sa 75 ay hindi laging updated sa kanilang booster shots.

Ayon sa pinakabagong datos na inilabas ng pederal na pamahalaan noong Disyembre 2023, 22 porsyento ng mga tao sa age bracket na iyon ay nagkaruon ng booster sa nakalipas na anim na buwan.

With additional reporting by the Australian Associated Press.

Share
Published 19 January 2024 5:24pm
By Emma Brancatisano
Presented by TJ Correa
Source: SBS


Share this with family and friends