Pinoy favourites: Chicken inasal istilong Australyano

Ang sekreto ng masarap na chicken inasal ay naka-depende sa pag-ihaw ng manok. Narito ang mga tips mula sa isang chef na Ilonggo mula Southwest Victoria sa pagluto ng istilong Aussie na chicken inasal.

Attribution – chicken bbq – must read: Pixabay/williamlind CC0

Attribution – chicken bbq – must read: Pixabay/williamlind CC0 Source: Attribution – chicken bbq – must read: Pixabay/williamlind CC0

Ang Chicken inasal ay isa sa mga minamahal na ulam sa rehiyon ng Visayas sa Pilipinas na sikat na specialty ng siyudad ng Bacolod. Karaniwan kilala bilang inasal, ang ulam ay ang Pilipinong bersyon ng inihaw na manok na binabad sa iba't-ibang sarsa ng damo, pampalasa na inihaw sa mainit na mga uling habang pinapahiran ng sarsa ng marinade.

Dito sa Australya, pumipila ang mga Pilipino sa mga piyestang Pilipino at selebrasyon ng mga pagkain para lamang makatikim ng maluwalhating ulam na pinakamabuting i-enjoy kasama ang kanin na may bawang at atsara bilang side dish.

Si Mark Vallejo, isang kusinero mula sa Bacolod at may-ari ng Tiangge Asian grocery at takeaway mula Camperdown, Victoria ay nagsabing habang ang mga sangkap sa isang awtentik na inasal ay hindi madaling makita sa Australya, mayroong mga alternatibong sangkap ang mabibili sa mga lokal na tindahan sa iyong lugar. Mayroon man konting pagkakaiba pagdating sa lasa ngunit kung na-miss mo ang sariling ulam, magrereklamo ka pa ba?


Mga alternatibong sangkap

I-marinade ang manok ng mahigit 2 hanggang 4 na oras. Native chicken ang karaniwang ginagamit para sa isang awtentik na inasal ngunit kung wala ito, ang kahit anong manok na nabibili sa paboritong tindahan ay maaaring gamitin.

Simulan sa pamamagitan ng pag-season sa manok ng asin at paminta pagkatapos ay ihalo ang marinade. Ang mga sangkap para sa marinade ay bawang, luya, tanglad, suka, toyo, brown na asukal, kalamansi o kumquat.

Ang kalamansi o kumquat ay hindi laging makikita sa Australya dahil ito ay isang citrus na prutas na tumutubo sa South East Asia. Maaaring gawing alternatibo ang lemon o lime ngunit, mungkahi ni Mark maglagay lamang ng sapat na halaga ng prutas. Upang mas maging awtentik, huwag kalimutang gumamit ng gawa sa Pilipinas na toyo at purong suka ng niyog na mabibili sa pinakamalapit na Pilipinong tindahan.
Attribution – kumquats – must read: Pixabay/nicolagiordano CC0
Attribution – kumquats – must read: Pixabay/nicolagiordano CC0 Source: Attribution – kumquats – must read: Pixabay/nicolagiordano CC0
Pagkatapos ng ilang oras na pag-marinate, painitin ang parilya gamit ang uling siguraduhin na hindi ito masyadong mainit. Lutuin ang manok ng dahan-dahan habang iniikot kada 10 hanggang 15 minuto sabay ng pagpahid kada 10 minuto ng na-ipon na marinade at mantika ng atsuete.
marinated chicken legs in a crock pot
honey, soya sauce, garlic and black pepper marinated chicken leg in a crock pot Source: iStockphoto
Ang madyik ng mantika ng atsuete 

Nag-iisip ka ba kung bakit dilaw ang kulay ng inasal? Ginagamit ang atsuete, achiote o annatto upang magdagdag ng yellowish-orange na kulay sa manok. Nagbibigay din ito ng kakaibang sipa sa lasa ng manok, nagpapa-basa sa manok at nagpapa-akit sa mga mata dahil sa kakaibang kulay.
atsuete
atsuete Source: Atsuete
Mga payo sa pag-BBQ

Laging isipin na ang sekreto sa malambot at makatas na barbecue ay wala sa marinade ngunit nasa pagluluto. Karaniwang gamit ng mga Australyano ang gas sa pag-ihaw ngunit para sa chicken inasal, mas iminumungkahi ang paggamit ng uling. Ayon kay Mark, ang pagluto nito ng mabilisan ay magpapa-tuyo sa manok kaya siguraduhin na lutuin ang manok ng dahan-dahan at tingnan na ang nabiling manok ay sariwa.

Mabuti din gamitin ang katutubong kahoy na uling sa pag-ihaw. Isang payo ay ang huwag ilagay ang manok malapat sa aktwal na apoy sa halip, ilatag ng pantay ang apoy, ang isa p dalawang layer ng uling ay sapat na. Bantayan ang manok nang hindi ito masunog.

Ang mga aktwal na sangkap ay tumutulong sa usok na maging kakaiba ang amoy kaysa sa normal na barbecue. Kapag naluto na ang tanglad, luya at bawang ito ay naglalabas ng kakaibang bango na nag-aakit sa pang-amoy.
Chicken and pork barbecue by Mark Vallejo of Tiangge Asian grocery and take away
Chicken and pork barbecue by Mark Vallejo of Tiangge Asian grocery and take away Source: Mark Vallejo of Tiangge Asian grocery and take away
Pecho o Paa?

Ano ang mas mabuti? Pecho paa? Habang ang sagot ay depende sa sariling panlasa ng mga inasal lovers, maaaring piliin ang nais ng puso mo. Ngayon sa Bacolod, isang bagong bersyon na tinatawag na 'pechopak' (hita at pakpak ng manok) ang ipinakilala dahil ito ay naghahain ng mas malaking bahagi.
Paa or pecho? Leg or thigh?
Paa or pecho? Leg or thigh? Source: Claudette Centeno Calixto
'Sawsawan'

Hindi kumpleto ang inasal kung walang sawsawan. Ang awtentik na sawsawan para sa inasal ay sinamak, ilonggong bersyon ng maanghang na suka. Nagmula ang rekado sa mga iba't ibang pampalasa katuld ng sibuyas at bawang na inihalo sa ibinabad na suka ng ilang araw o linggo. Ang pagdagdag ng kalamansi at toyo ay siguradong magpapasarap sa kainan.
Sinamak
Sinamak Source: Claudette Centeno Calixto
Chicken inasal, kanin at atsara perpektong trio

At upang makumpleto ang karanasang inasal, siguraduhin na i-pares sa isang baso ng kanin na may bawang o dilaw na kanin at atsara. Ang dilaw na kanin ay kanin na pinaliguan ng taba ng manok  habang ang atsara ay isang side dish na gawa mula sa inatsarang hilaw na papaya at nagsisilbing pampagana sa iyong pagkain. At upang mas maging Pinoy, maaaring ilagay ang masarap na pagkain sa isang piraso ng dahon ng saging gamit ang kawayang plato at kainin gamit ang mga kamay.
Eating chicken inasal with bare hands. Manokan Country
Eating chicken inasal with bare hands. Manokan Country Source: Manokan Country
Ang Chicken inasal ay hindi lamang sikat bilang katutubong ulam sa Pilipinas ngunit malawak na minamahal ng mga Australyano. Kapag naamoy ang usok, hindi mo mapipigilan ang kumain at sabihin ang mga salitang Ilonggo na 'baw, kanamit gid!'
BASAHIN DIN:
SUNDAN ANG  SA 










Share
Published 18 August 2018 9:24am
Updated 18 August 2018 8:14pm
By Claudette Centeno-Calixto


Share this with family and friends