Pinagmamalaki ng bawat tahanang Pilipino na nasa kanila ang pinakamasarap na adobo recipe. Ngunit, kahit maraming klase ng adobo - mula sa baboy-at-manok na may toyo at suka, hanggang sa adobong dilaw, at adobo sa puti - ang pagkakapareho nila ay ang kakayahan mong tumanggi sa adobo kapag inihain na ito kasama ng mainit na kanin.
Limang putahe gamit ang adobo flakes
Kahit na puting kanin ang tipikal na kinakain kasama ng adobo, may lima pang paraan upang ma-enjoy ang isang uri ng putaheng ito - ang adobo flakes:
1. Adobo aglio e olio
Gumawa ng aglio e olio sauce sa pagluto ng bawang at chilli flakes sa olive oil. Ilagay ang sauce sa lutong spaghetti noodles. Dagdagan ng parmesan cheese at parsley.
Upang mas maging malasa ito, lagayan ang ibabaw ng pasta ng sunny side egg.
2. Adobo flakes burrito
Initin ang tortilla hanggang lumambot. Ilagay ang adobo flakes, sinangag, mais, salsa at/o guacamole at wansuy sa tortilla. Irolyo ito.
3. Adobo fried rice
Haluin ang itlog at lutuin sa kalan. Idagdag dito ang adobo flakes, kanin, gisantes, karot at mais. I-season ng paminta at chicken salt.
4. Adobo flakes and feta cheese pizza
Maari kang gumawa ng sarili mong crust o bumili ng gawa na. Lagyan ng pizza sauce, adobo flakes, feta cheese at mozarella cheese ang base. I-bake ito.
5. Champorado with adobo flakes
Siguraduhing malutong ang adobo flakes, pero hindo sunog. Imbis na dilis, ilagay ang adobo flakes sa ibabaw ng champorado.
Ito ang isang ma-bawang na recipe ng adobo flakes, isang uri ng adobo, na maaari mong subukan sa bahay:
Isang recipe ng adobo flakes
Ito ang isang recipe ng adobo flakes na maaari mong subukan sa bahay:
Ingredients:
½ kilo pecho ng manok
½ kilo hita ng manok
2/3 cup toyo
1/3 cup suka
1 tbsp Worcestershire sauce
isang ulo ng bawang, i-roast ang kalahati at prituhin ang natitirang kalahati
2-3 pcs dahon ng laurel
1 tbsp buong peppercorns
Mantika
Asin at paminta
Procedure:
1. Kunin ang kalahati ng ulo ng bawang, i-slice ang ibabaw nito at ilagay ito sa isang maliit na baking pan. Lagyan ito ng mantika, asin at paminta. I-roast ang bawang hanggang ito'y mag-brown at maging malambot.
2. Sa isang kaldero, initin ang mantika at idagdag ang manok. Lutuin hanggang hindi na ito pink.
3. Balatan at durugin ang roasted garlic at idagdag sa kaldero.
4. Idagdag ang toyo, suka, Worcestershire sauce, peppercorns at dahon ng laurel. Pakuluin. Huwag itong haluin.
5. Kapag luto na ang manok at madali na itong himayin, palamigin na ang adobo. Kapag lumamig na ito, himayin ang manok gamit ang iyong kamay o gamit ang tinidor.
6. Ilagay ang manok sa isang serving dish. Gamit ang strainer, i-strain ang sauce sa ibabaw ng manok. Iwan ang adobo sa ref ng 24 na oras.
7. Kinabukasan, ihiwalay ang manok sa sauce. Prituhin ang manok hanggang maging malutong ito. Maaring ilagay muli ang sauce sa manok, o ihanda ito ng hiwalay. Lagyan ng prinitong bawang ang ibabaw ng manok kung ninanais.
Note:
* Mas mainam na gumamit ng Philippine-brand na toyo at suka dahil nagdadala sila ng mas ma-umaming lasa sa adobo.
BASAHIN DIN
READ MORE
Pinoy favourites: Mamon