1. Mahal ang partner visa.
Ang mga partner at prospective marriage visa sa Australya ang ilan sa pinakamahal sa buong mundo. Sa katunayan, itong nakalipas na limang taon, tumaas ng higit sa 400% ang halaga ng mga ito.
Nitong 2018, ang bawat isa ay may base fee na $7,160. May kaukulang $3,585 ang bawat karagdagang aplikante na higit sa 18 taong gulang, habang $1,795 naman ang dagdag sa bawat aplikante na mas bata sa 18.
Maliban sa application fee, kinakailangan mo ring dumaan sa police check (may halagang $50) at medical examination (may halagang $220 hanggang $280, depende sa kung saan ka nakatira at sa kung anong eksamen ang kinakailangan mo).
Hinihingi din ng Department of Home Affairs na ipa-certify mo ang ibang mga papeles na isasama mo sa aplikasyon. Maaring may bayad ang certification, depende sa document witnessing service na gagamitin mo.
May karagdagang bayad din ang tulong na ibibigay ng migration lawyer o agent.
2. Medyo matagal ang proseso.
Ayon sa departamento, naghahanap sila ng paraan upang mapabilis ang pag-proseso ng mga aplikasyon; ngunit, sa ngayon, ito ang mga processing time ng mga partner visa:
A. Para sa mga aplikanteng nag-apply sa labas ng Australya:
i. Partner (Provisional) visa (subclass 309)
75% ng mga aplikasyon ay matatapos sa loob ng 13 na buwan
90% ng mga aplikasyon ay matatapos sa loob ng 17 na buwan
ii. Partner (Permanent) visa (subclass 100)
75% of ng mga aplikasyon ay matatapos sa loob ng 17 na buwan
90% of ng mga aplikasyon ay matatapos sa loob ng 25 na buwan
B. Para sa mga aplikanteng nag-apply sa Australya:
i. Partner (Provisional) visa (subclass 820)
75% of ng mga aplikasyon ay matatapos sa loob ng 21 na buwan
90% of ng mga aplikasyon ay matatapos sa loob ng 26 na buwan
ii. Partner (Permanent) visa (subclass 801)
75% ng mga aplikasyon ay matatapos sa loob ng 18 na buwan
90% ng mga aplikasyon ay matatapos sa loob ng 24 na buwan
Kung nag-apply ka online, ipaalam sa departamento ang mga pagbabago sa iyong buhay (gaya ng pagbubuntis o pagbili ng bahay) upang mas lalong mapatunayan na ang relasyon ninyo ay totoo at nagpapatuloy.
3. Binibigyang halaga ang tagal ng inyong pagsasama.
Mas bibilis ang proseso kung totoo at nagpapatuloy ang relasyon ninyo o kung mayroon kayong anak.
Kung nasa isang long-term relationship ang dalawa sa panahong ipinasa ang aplikasyon, maaring mabigay ang permanent partner visa bago ang dalawang taon. Ang isang long-term relationship ay isang relasyon na tumagal ng tatlong taon o mahigit, o dalawang taon kung mayroong anak ang dalawa.
4. Kinakailangang isang taon o mahigit ang isang de facto relationship.
Kung hindi kayo kasal, pero nakatira kayo sa iisang bahay bilang magkasintahan, kinakailangang magbigay kayo ng pruweba na isang taon o mahigit na ang inyong pagsasama.
Kasama sa pruweba ang joint finances, nakasulat na kwento o timeline ng inyong pagsasama, mga sulat o mensahe ninyo sa bawat isa, pagtanggap at pagkakilala ng ibang tao sa inyong relasyon, at iba pa.
5. Maaring kilalanin ang inyong de facto relationship at maari kayong mag-sumite ng aplikasyon kahit na kasal (pero hiwalay) kayo sa iba.
Sa ilalim ng batas sa Australya, hindi ka maaring ikasal muli kung kasal ka pa sa iba. Ngunit, para sa migration purposes, maaring kilalanin ang iyong de facto relationship basta't hiwalay ka o ang partner mo sa dati ninyong mga asawa.
Kailangang magbigay kayo ng patunay na tapos na ang dating relasyon mo/niya sa pamamagitan ng mga patunay na hindi na kayo/sila nakatira sa iisang bahay at hindi na kayo/sila namumuhay bilang mag-asawa.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa partner visa, bisitahin ang .
BASAHIN DIN