Key Points
- Isang pag-aaral ng ANU ang nagsasabi na isa sa bawat sampung Australians ang nakaranas ng long COVID
- Iniulat ng WHO ang 10 per cent na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo
- Maari nang makakuha ng Moderna bivalent vaccine ang mga Australian
- Naging puntirya ng diskriminasyon ang mga residente ng Western Sydney noong lockdown ayon sa isang ulat
Natapos na ang mandatory self-isolation para sa mga nagkakasakit ng COVID-19 sa lahat ng estado at teritoryo ng Australia mula ika-14 ng Oktubre
Itinigil na rin ang pamamahagi ng Pandemic Leave Disaster Payment maliban sa mga casual workers sa sektor ng aged care, disability care, aboriginal healthcare at hospital care.
Ayon sa NSW Health, ang COVID-19 positive na manggagawa sa high-risk settings ay maari lang bumalik sa trabaho makalipas ang pitong araw at kung wala ng sintomas
Ang pagre-report ng resulta ng RAT ay mandatory pa rin sa ilang estado at teritoryo
Inalis na rin ang mga COVID-19 rules maliban sa pagsusuot ng face masks sa high-risk settings at mandatory vaccination para sa mga healthcare workers sa bansa.
Isang bagong pag-aaral ng The Australian National University ang nagpapakita na higit isa sa 10 Australians ang nagkaroon ng long COVID.
Ayon kay Lead author Professor Nicholas Biddle na ang taong nakakaranas ng maraming sintomas o nagkaroon ng long COVID ay nagsasabing bumaba ang antas ng kalusugan
Maari nang makakuha ang mga Australian ng bivalent vaccine ng Moderna na target ang orihinal na COVID virus at Omicron's BA.1 subvariant.
Gayunman, sinabi ng isang WHO expert group na ang datos ay hindi sapat para irekomenda nila ang kahit anong bivalent vaccine.
Iniulat ng Guardian na itinapon ng Australia ang nasa 20 per cent ng COVID vaccine na hindi napakinabangan noong nakaraang buwan dahil sa mababang bilang ng nagpabooster.
Sa kabila nito, nasa katanggap-tanggap pa rin itong bilang ng natatapon na multi-dose vaccine base sa WHO, na nasa pagitan ng 15 at 40 per cent.
Isang ulat mula Australian Catholic University at United Workers Union ang nagsabing ang mga residente ng pinala multicultural suburbs ng Western Sydney ay nakaramdam na sila ay pinupuntirya ng mga diskriminasyon kumpara sa ibang bahagi ng Sydney at easter suburbs noong nakaraang pandemic lockdowns
"Residents of Western Sydney and other LGAs of concern were forced to contend with tougher restrictions on physical mobility and night-time curfews than elsewhere in Sydney," saad sa ulat.
Binawasan ng Western Australia ang mga state-run vaccination clinics. Pero maari pa ring makakuha ng bakuna sa mga GP at botika.
Isang modelling ang nagsasabi na ang susunod na wave ng COVID-19 sa South Australia ay tataas sa unang bahagi ng Disyembre. Pero hindi ito magiging kasing tindi ng nakaraang wave.
Inaasahang magkakaroon ang estado ng pinaka mataas na bilang ng mga naoospital ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Sinasabi ng isang na ang pinagmulan ng COVID-19 ay "most likely zoonotic, " o ang virus ay mula sa mga hayop na naisalin sa tao
Sa kabila nito, wala pang nakukuhang "verifiable or credible evidence" ang mga ito na ang COVID-19 ay nagmula sa isang laboratory.
Nabawasan ang pangdaigdig na bilang ng kaso kada linggo ng 10 per cent at one per cent ang nabawas sa pagkamatay sa linggo ng ika-9 ng Oktubre ayon sa huling ulat ng WHO.
Germany, China, France, the US at Italy ang may pinaka mataas na kaso sa buong mundo kada linggo.
Hanapin ang mga Long COVID clinic
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
Irehistro ang resulta ng RAT kung positibo sa virus
Basahin ang mga impormasyon tungkol sa COVID-19 sa