Highlights
- Simula ngayong ika-10 ng Oktubre, ilalabas ang bersyon ng bakuna ng Moderna na target mismo ang Omicron.
- Inirerekomenda ang booster shot na ito sa mga wala pang pangatlo at pang-apat na dosis ng bakuna.
Inilabas ngayong araw ng Moderna ang isang omicron-specific na bersyon ng kanilang bakuna.
Kinumpirma ng tagapagsalita ng Department of Health ang roll-out simula ngayong araw ika-10 ng Oktubre ang Spikevax bivalent vaccine ng Moderna.
Ito ang kauna-unahang bivalent vaccine na maging available sa bansa na isasama sa umiiral na COVID-19 booster program.
Ayon sa tagapagsalita, "The Moderna bivalent vaccine will be integrated into the existing COVID-19 booster program and all sites participating in the COVID-19 vaccine roll-out program will have access to this vaccine in coming weeks."
Hinihikayat ang mga tao na kailangan na ang COVID-19 dose na huwag na mag-book na agad ng appointment sa lalong madaling panahon.
Ang mga linggo hanggang ika-apat ng Oktubre, pumalo na sa 36,242 ang kaso ng COVID-19 na naiulat sa buong Australya na may arawang bilang na 5,177 na kaso.
Ang Spikevax bivalent vaccine ay isang mRNA vaccine, na gumagamit ng parehong teknolohiya gaya ng sa Pfizer at ng orihinal na Moderna vaccine.
Ayon kay University of Queensland Associate Professor Paul Griffin, na isang infectious diseases physician, ang salitang bivalent ay tumutukoy sa bakuna na may dalawang target na variant, at sa kasong ito target ang orihinal na 2020 COVID-19 variant gayundin ang Omicron variant BA.1
Bagaman ang nabanggit na bagong bakuna ay target lang ang BA.1 variant, nagbibigay ng extrang proteksyon dinito kontra sa mga subvariants na BA.4 at BA.5 na kasalukuyang pangunahing variant sa Australia.
Moderna's new Spikevax bivalent vaccine is available from 10 October 2022. Source: AAP
Ayon sa Australian Technical Advisory Group on Immunisation (ATAGI), nagpakita ang Moderna bivalent ng maliit na pagtaas sa benepisyo kumpara sa orihinal na bakuna kontra Omicron.
Ayon pa kay Professor Griffin, ang bakuna ay mas malakas na proteksyon sa mga uusbong na variants sa hinaharap.
Dagdag din nitong ang ilang bakuna na ginagawa pa lamang ay ispesipiko ding target ang BA.4 at BA.5 Omicron variants.
Sino ang dapat makakuha ng bagong bakuna?
Ang Therapeutic Goods Administration (TGA) ay provisionally approved ang bivalent COVID-19 vaccine ng Modera bilang booster dose sa mga adults 18 years old noong 29 August at pataas.
Inirekomenda ng ATAGI ang bakuna bilang booster dose sa mga may edad 18 pataas.
Hinikayat naman ni Professor Griffin na magpabooster shot na ang mga wala pang ikatlo at ikaapat na bakuna at ikunsidera ang Moderna bivalent vaccine.
"I would certainly encourage everyone who's not completely up to date and not had their four doses - if that's what they are eligible for - if you haven't had that now, it'd be a great time to go and get your booster," saad ng Propesor.
"Not only is the improved vaccine available but we are seeing rates of transmission climb in other parts of the world."
Kinumpirma din ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Kalusugan na dumaan batch test ang bakuna at may sapat na suplay ang gobyerno para sa lahat ng pupwedeng mamamayan sa bansa na makatanggap into.
"Due to contractual agreements the department does not disclose how many doses of bivalent vaccines Australia has ordered, received or administered by vaccine type," sambit ng tagapagsalita.
Sa tala noong ika-28 ng Setyembre, aabot sa 71.8% ng mga Australyano ang nakatanggap ng tatlong dosis ng bakuna ngunit 40.9% lamang ang may ikaapat na dosis.
Kung hindi sigurado kung ikaw ay eligible sa bagong bakuna, inirerekomenda ni Professor Griffin na tingnan ang rekord online o makipag-usap sa GP o pharmacist.
Ayon kay Professor Griffin, ang kaligtasan ng bivalent vaccine ay pareho sa orihinal na bakuna na nagpakita ng pagiging ligtas kahit sa mga buntis o mga taong immunocompromised.
"Those vulnerable groups obviously should talk to their GP, their specialist ... or their obstetrician ... but we know those vaccines are safe and effective in pregnancy and should certainly be recommended because that is a group in which we don't want to see get COVID," dagdag nito.
Sinabi naman ni Health Minister Mark Butler sa ABC noong ika-28 ng Setyembre na ang Pfizer ay gumagawa din ng Omicron-specific vaccine.
"We have a contract inherited from the former government for substantial supply of Pfizer vaccine next year. We obviously want to make sure that that is the most up-to-date version of the vaccine," saad nito.
"And in time, over the next few months, they'll move to a version of the vaccine that targets the BA.4, BA.5 subvariant of the Omicron variant, which is the one that you see not only prevalent here in Australia but across the world right now."
Para naman sa mga taong may apat na dosis ng bakuna, hindi hinihinkayat ni Professor Griffin ang panglimang dosis.
"There may be really specific circumstances where that may be appropriate but for most people I wouldn't seek an additional dose," dagdag nito.
"If we have another really big wave of transmission and additional doses are required, then that'll be recommended for everybody but that's not the case right now."
Magiging available ang Moderna Spikevax bivalent vaccine sa mga sites na nakalista sa