Mga pagkaing Pilipino bida sa Children's Day event sa Konsulado sa Melbourne

Sa ikatlong sunod na taon, pinangunahan ng Philippine Consulate General sa Melbourne ang Children's Day event noong ika-23 ng Enero 2025.

473645835_1308285783553261_2487036157064545915_n.jpg

Ginanap ang Children's Day Event nitong ika-23 ng Enero sa Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne na may temang 'What Kids Should Know About Filipino Food'.

Ginanap ang Children's Day Event nitong ika-23 ng Enero 2025 sa Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne na may temang 'What Kids Should Know About Filipino Food'.
Layunin ng kaganapan ang mapalalim ang pag-unawa sa kanilang mga pangangailangan, at magbigay ng pagkakataon na magsama-sama, maglaro, magbahagi, at makisaya sa iba't ibang aktibidad.
Pinangunahan ni Consul General Maria Lourdes Salcedo ang event habang nagbahagi ng storytelling si Chef Michelle Vista-Capuso at ilang aktibidad sa mga bata ang Mabuhay Playgroup gaya ng pagtuturo ng pangalan ng mga gulay sa wikang Filipino.

Isa sa mga bumida sa araw na iyon ay ang pagkanta ng Mabuhay Playgroup ng 'Bahay Kubo', isang tradisyunal na awitin mula sa Pilipinas.

Ito ay nagsasalaysay tungkol sa isang maliit na bahay na napapaligiran ng iba't ibang uri ng mga gulay.
474537054_1578209376160009_3598654860322220811_n.jpg
Pinangunahan ni Consul General Maria Lourdes Salcedo ang Children's Day event.
Habang kinakanta ang 'Bahay Kubo', may ilang mga batang sumasayaw at ilan namang tumutugtog ng instrumento.

Nakibahagi rin ang mga bata sa paglalaro ng 'What's in the Box' kung saan huhulaan nila ang laman ng kahon at kailangan nilang ilarawan kung ito ay masustansya sa katawan o hindi.
473546566_2663284340725700_700997433206975792_n.jpg
Nakibahagi ang mga bata sa mga storytelling at palaro ng Children's Daye event.
Hindi naman maitago ang kasiyahan sa mga bata matapos makatanggap ng loot bags na may lamang mga pagkain mula sa TEAMS at Konsulado.

Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng mensahe si Konsul Ralph Abarquez na pinasalamatan ang mga magulang at batang nakibahagi sa taunang Children's Day event.

Share
Published 25 January 2025 2:50pm
Updated 25 January 2025 3:02pm
By Martin Tuano
Source: SBS

Share this with family and friends