Mga dapat isaalang-alang ng bawat magulang para bakunahan ang mga anak kontra COVID-19

Lumabas sa datos na umabot sa 350,000 ang tinamaan ng COVID-19 at walo ang namatay na mga bata mula 0 hanggang 5 taong gulang sa nakalipas na 7 buwan.

COVID-19 VACCINATIONS FOR CHILDREN

Brothers Louise and Harry Taylor-Bishop and sisters Olivia and Evie Kurz pose for a photo after receiving their first vaccine at Kippa Ring Communication Vaccination Clinic in Brisbane. Source: AAP / RUSSELL FREEMAN/AAPIMAGE

Key Points
  • Sa ika-5 ng Setyembre sisimulan ang bakuna kontra COVID- 19 sa mga batang mahihina na may edad 5 taong gulang pababa
  • Ayon sa mga eksperto maaaring malubha ang epekto ng COVID-19 sa ibang kabataan
  • Side effects ng bakuna ay hindi gaanong karaniwan sa mga bata kaysa may edad
Sa unang bahagi ng taong ito, inilunsad ang mga bakuna kontra COVID-19 sa lahat ng mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Gayunpaman, 40 porsyento lamang sa 2.3 milyong kwalipikadong mga bata sa pangkat ng edad na ito ang nabakunahan ng kanilang inirerekomendang dalawang dosis.

Bagay na ayon kay Dr Brenden McMullan, isang Paediatric Infectious Disease Specialist mula Sydney Children's Hospital, sobrang nababahala ng mga magulang sa dalang side-effects ng bakuna kaya nag-aalangan ito na pabakunahan ang mga anak at higit sa lahat hindi rin nila alam kinakailangan pa ba ito ng mga bata.
LISTEN TO
Edited Nick Wood.mp3 image

How safe are COVID-19 vaccines for children?

SBS English

11/08/202214:21
Dagdag naman ng Paediatrician at Associate Professor na si Nick Wood, isa din sa rason kung bakit mababa ang bilang ng mga batang nabakunahan ay dahil hindi naglalaan ng oras ang mga magulang para dalhin ang mga anak sa vaccination centres.

"Ang magulang na may anak na 6 o 7 taong gulang na nagka-COVID ay posibleng nag-iisip na dahil hindi malubha ang epekto ng COVID, hindi na kinakailangan ang bakuna," sabi ni Professor Wood.

"Inirekomenda na kailangang hintayin ang 3 buwan bago magpabakuna kapag tinamaan ng COVID. Ito din ang posibleng dahilan ng iba kaya mababa ang bilang ng nagpabakuna."

Kinakailangan bang bakunahan ang mga bata kontra COVID-19?

Ayon sa mga eksperto ang epekto ng COVID sa karamihan ng mga bata ay mahina, ngunit sa mga may sakit o may medikal na kondisyon, maaring maging malubha ang epekto ng virus.

"Ang ibang mga bata, kapag tinamaan ng virus, agad kailangang madala sa ospital. Maaaring kailangan ng karagdagang oxygen o IV fluid dahil ang kanilang paghinga ay hindi maayos at hindi sila kumakain," sabi ni Proffesor Wood.

Dagdag pa nito ang gamot na bakuna laban sa COVID ay tumutulong para hindi maging malubha ang epekto nito sa katawan ng mga bata.

"Kapag tinamaan ka ng virus, may benepisyo ito sa katawan lalo na kung tapos ng mabakunahan. Ang immunity ng katawan ng tao ay mas maganda at tumutulong ito para maiwasan mahawang muli ng virus," kwento ni PRofessor Wood.
Sabi ni Dr McMullan ang mga taong walang bakuna, kabilang ang mga bata ay malaki ang tpagkakaton na mawaha ng COVID.

"Sa simula ang pandemya, maraming kabataan ang na-ospital dahil sa COVID na may malubhang sakit . Sa ngayon, nakikita natin ang mas batang biktima ng virus na nasa ospital. "

Gaano ka ligtas ang bakuna?

Ayon sa mga eksperto ang mga bakunang gamot na ito ay dumaan sa masusing pananaliksik bago itinurok sa ilang milyong kabataan sa buong mundo.

Sa Australia, ang mga gamot na ito ay sinuri ng Therapeutic Goods Administration at inirerekomenda ng Australian Technical Advisory Group on Immunisation o ATAGI.

Pinangunahan din ni Professor Wood ang paggawa ng ulat sa AusVaxSafety report kung saan sinuri ang gamot para masegurong ligtas ang bakuna sa higit 200,000 na mga bata na may edad 5 hanggang 15 taong gulang.

Kabilang sa karaniwang side-effects sa mga bata ay pamumula sa sugat kung saan itinurok ang bakuna. Karaniwan itong lumalabas 2 oras matapos ang bakuna sa loob ng ilang araw.

Ang lagnat, pananakit ng ulo at kalamnan ay karaniwang nararanasan ng mga bata at mga nakakatanda.

"Pero mas malimit itong nararamdaman ng mga bata kaysa mas nakakatanda, lalo na sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang kaysa 12hanggang 15 taong gulang, saad pa ni Professor Wood.
Samantala, sa pananaliksik ng buong team ni Professor Wood, wala silang nakitang peligro ng myocarditis o pamamaga sa puso sa mga batang nasa edad 12 taong gulang pababa.

"Karaniwang nakita natin sa mga may edad 15 hanggang 25 taong gulang. At nangyayari sa mga nagbibinata matapos ang 2 doses ang nararamdaman nila ay pananakit ng dibdib o konting palpitations, "dagdag ng propesor.

"Kung nakakaranas sila ng ganito dapat agad komunsulta sa GP o emergency doctor, pero hindi naman ito karaniwan, parang isa sa bawat limang libo hanggang sampung libong tinamaan ng COVID," dagdag nito.

Ayon naman kay Dr McMullan na isang infectious disease specialist ang mga nakaranas ng malubhang side effects, aykailangan lang umano ng bakuna.

"Mayroon na akong naging mga pasyente na malubha ang sakit dahil sa COVID at yong side effects na sinasabi ng bakuna wala yon sa kanilang delikadong sitwasyon," Dr McMullan said.

Anu-anong bakunang gamot ang inirerekomenda para sa mga bata?

Sa kasalukuyan, inirerekomenda ng ATAGI ang dalawang dose ng Spikevax ng Moderna, para sa batang mahihina o may medikal na kondisyon mula edad 6 na buwan hanggang 5 taong gulang.

"Ang age group na ito ay mababa ang bilang ng nadadala sa ospital kapag tinamaan ng COVID. Subalit kadalasan, kasama sa mga batang na-ospital at namamatay dahil sa COVID ay silang may medikal na kondisyon o immunocompromised," pahayag ng ATAGI.

Sa ulat ng National Interoperable Notifiable Diseases Surveillance System umaabot sa higit 350,000 ang mga batang tinamaan ng COVID-19 at walo ang namatay dahil sa virus sa mga batang may edad zero hanggang limang taong gulang simula sa ika-1 ng Disyembre hanggang ika-17 ng Hunyo 2022.

Samantala ang mga batang may edad 5 hanggang 11 at 12 hanggang 15 taong gulang, ang age group na ito ay maaaring gamitin ang Pfizer o Moderna para sa dawalang dosis. Ang pangatlong dose naman ay inirerekomenda para sa mga mahihina o may medikal na kondisyon na mga bata.

Long COVID sa mga bata

Ayon kay Dr McMullan ang long COVID o ang pananatili ng sintomas ng COVID sa mga nahawa, matapos ang impeksyon ay karaniwang nararanasan ng mas nakakatanda kaysa mga bata.

"Karamihan sa mga batang nahawa ng COVID ay agad gumagaling-balik sa kanilang normal na kondisyon matapos ang ilang linggo," sabi ng doktor.

Ibabahagi ng SBS ang mga COVID-19 updates sa mga komunidad sa iba't-ibang wika. Manatiling maalam at maingat. Bisitahin ang

Share
Published 17 August 2022 12:35pm
Updated 19 August 2022 8:55am
By Sahil Makkar
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends