Mga dapat gawin o paghandaan
- Alamin ang mga babala na nakataas sa inyong lugar, mga ruta ng paglikas at evacuation centre, na maaring makuha sa local council.
- Maghanda ng emergency kit kabilang ang torch o flashlight, food supplies, first aid kit, tubig, extrang damit, kumot at mga toiletries. Isama din ang mobile phones, charger at kung may power bank.
- Ilagay sa isang sealed bag ang mga mahahalagang dokumento o bagay. Alamin din ang mga bagay na pwede ilagay sa mataas na bahagi ng bahay (kabilang na ang mga basura, chemicals at poison).
- Patayin ang main power o kuryente at tubig.
- Kung may sandbag, ipatong ito sa toilet bowl upang maiwasan ang sewage back-flow.
Mga dapat gawin kung mayroong pagbaha
- Paalala na delikado ang maglakad, magmaneho, lumangoy at maglaro sa tubig-baha.
- Kung talagang kinakailangan na maglakad sa baha, mag-ingat at magsuot ng solid shoes at magdala ng stick para matantya ang lalim ng bawat hahakbangan.
- Iwasan ang malalim na bahagi at iwasan din ang bumagsak na linya ng kuryente.
- Alamin ang mga saradong kalye, ligtas na ruta at pinamalapit na relief centre.
- Ipaalam din sa kamag-anak, kapitbahay o kaibigan ang mga plano.
Mga dapat gawin matapos ang pagbaha
- Kung kayo ay lumikas, huwag munang bumalik sa bahay habang hindi pa nagaabiso ang otoridad na ligtas na.
- Huwag din bubukas ang gas, kuryente at appliances hangga’t hindi pa nachecheck ng professional.
- Magpakulo ng tubig bago ito inumin habang hindi pa inaabiso ng mga awtoridad na ligtas na ang tubig
- Kumuha ng mga litrato ng bahay para sa insurance claims.
Para sa mga nangangailangan ng tulong na non-life threatening emergency dulot ng pagbaha o bagyo, maaring tumawag sa SES Assistance 132 500 pero kung ang sitwasyon po ay mapanganib o life threatening, maaring tumawag sa Triple Zero (000).