Key Points
- Sinumang may edad na lima pataas ay kwalipikado para sa mga libreng bakuna kontra COVID-19 sa Australia
- Kung walang Medicare, maaaring makakuha ng bakuna sa mga community pharmacies, Commonwealth at state-run clinics
- Kumonsulta muna sa kani-kanilang mga doktor kung gagamit ng iba't-bang klase ng bakuna
Pauwi na ng India ngayong buwan ang magulang ni Jay Mankad, residente ng Sydney. Bumisita ang mga ito pagkatapos magbukas muli ang Australia para sa mga magulang ng migrante at mga international students.
Ngayong papauwi na ang mga ito, naisip ni Jay na pabakunahan sila ng ikalawang booster dose bago pa magsimula ang winter sa kanilang bansa.
Nakapagpa-booster na sila sa India pero sa ngayon, wala pang makukuhang ikalawang booster dose doon.
"Dahil sa kanilang edad, mas madali silang mahahawaan ng virus," dagdag ni Jay.
Kwalipikado ang kanyang mga magulang para sa pangalawang booster sa Australia, ngunit di tulad tulad ng mga mamamayan ng Australia at permanenteng residente dito, wala silang Medicare.
Paano makakakuha ng libreng COVID-19 vaccine o booster kung walang Medicare?
Maaaring makatanggap ng mga libreng bakuna kontra COVID sa Australia ang sinumang may edad na lima pataas.
Kabilang dito ang mga walang Medicare, mga bibisita galing sa ibang bansa, mga international student, mga migranteng manggagawa at mga naghahanap ng asylum.
Pero maaaring pahirapan ang paghahanap ng clinic kung saan makakakuha ng libreng bakuna para sa mga ito.
Tinaggihan na umano sya ng mga GP at botika, pero aniya talagang tinyaga nya lang ang paghahanap.
"Hindi namin alam kung saan pupunta," dagdag pa nito.
Rachana Oza says there is conflicting information for overseas parents wanting to vaccinate in Australia. Credit: Rachana Oza
"Sa tingin ko mayroong pagkakaiba sa kung paano ito ipinapaalam at kung paano ma-aaccess ito," dagdag niya.
Sinabi ng Department of Health at Aged Care sa SBS na kahit walang Medicare ay maaaring makakuha ng kanilang mga bakuna sa pamamagitan ng "botika sa kanilang community pharmacies na kabilang sa programa".
"Makakakuha rin ng bakuna sa Commonwealth vaccination clinics at state-o territory-run vaccination clinics," dagdag nito.
"Maraming lugar kung saan maaari kang makakuha ng libreng bakuna. Maaaring gamitin ang para makahanap ng clinic na malapit sa iyo. Ang bawat website ng departamento ng kalusugan ng estado at teritoryo ay mayroon ding dagdag pang impormasyon kaugnay sa pagpapabakuna sa inyong lugar."
Pwede ba paghaluin o kumuha ng iba't-ibang klase ng bakuna?
Kwento ni Jay, kinailangan nyang magtanong-tanong sa kapamilya at kaibigan dahil wala syang makuhang impormasyon na gagabay sa kanya kaugnay sa pagkuha ng iba't-ibang klase ng bakuna.
Sinabi ni Associate Professor Sanjaya Senanayake, isang infectious disease expert sa Australian National University, na maraming clinicals trials na isinasagawa kaugnay sa paghahalo-halo ng iba't ibang mga bakuna, at napag-alaman ding "ligtas gawin ito".
"Mas mapapatibay ang inyong immune response at makakaranas ng bahagyang mas matinding sintomas kung gagamit ng ibang bakuna, paliwanag ni Prof Senanayake.
"Wala namang problema sa paggamit ng iba't-ibang klase ng bakuna kontra COVID," dagdag nito.
Pero, hinihikayat pa rin ng gobyerno ng Australia na humingi ng payo sa kani-kanilang doktor at health service providers bago kumuha ng ibang bakuna.
Dapat bang kumuha ng booster dose dito sa Australia ang mga turista o bibisita bansa?
Ayon kay Prof Senanayake, dapat isaalang-alang ng mga bibisita dito ang pagkuha ng booster dose at alamin kung sila ay kwalipikado na makakuha ng libreng bakuna.
"Sa usaping COVID, hindi mahalaga kung ikaw ay bibisita lamang o titira sa Australia. Mahahawaan ka pa rin ng sakit kung hindi malakas ang iyong resistensya," paliwanag ng propesor.
"Bigyan din sila dapat ng pagkakataon dahil sa kabuuan, tayo rin naman ang makikinabang dito," dagdag nito.
Nagpapasalamat naman si Rachana sa gobyerno ng Australia sa pagbibigay ng booster dose sa kanyang mga magulang.
"Malimit na alalahanin ng mga migrante ang pagbisita ng kanilang mga nakatatandang magulang sa bansa," aniya.
Makakaasa kayo sa SBS na maghahatid kami ng mga napapanahong ulat kaugnay sa COVID-19 sa buong komunidad ng Australia na may iba't-ibang kultura at wika. Maging maalam, maging maingat. Bisitahin ang