Ayon sa taunang ulat ng Nursing and Midwifery board of Australia (NMBA), mayroong mahigit 380,000 rehistradong nars sa Australya sa taong 2017- 2018. Ang mga numero ay sinasabing tataas pa dahil sa patuloy na pangangailangan ng serbisyo ng pag-aalaga sa bawat estado ng bansa.
Ang mga Pilipinong nars na matapang na dumaan sa paglalakbay ay makakapagpatunay na ang proseso sa pag-aplay bilang rehistradong nars sa Australya ay nakakainip at mapaghamon. Si Floribeth Saavedra, isang nars na naka-base sa Sydney ay kamakailan lang nakumpleto ang kanya at ngayon ay nasa proseso ng paghihintay sa kanyang rehistrasyon. "It takes about 4 - 6 weeks processing the registration and sometimes it's more than that," sabi ni Floribeth.
Mula PH RN patungo AU RN
Bago makakapagtrabaho si Floribeth bilang nars sa Australya, kailangan niya munang matugunan ang mga kinakailangan sa pagpaparehistro at makumpleto ang isang skills assessment mula sa (NMBA) at (AHPRA).
Ang kanyang rehistrasyon ay tinasa ayon sa mga sumusunod:
Ebidensiya ng pagkakakilanlan- ebidensiya ng pagkakakilanlan tulad ng pasaporte, birth certificate, lisensiya sa pagmamaneho (opsyonal), marriage contract (kung naaangkop).
Kwalipikasyong akademiko- transcript of records, diploma, course description/syllabus, RLE o related learning experience.
Kasaysayan ng rehistrasyon- may bisang PRC license at certificate of good standing na direktang pinadala sa AHPRA.
Kasaysayan ng trabaho- nakumpletong minimum na 450 oras ng trabaho bilang nars sa nakaraang limang taon.
Kasabay nito, nagbigay din siya ng COE o certificate of employment kung saan ay laman nito ang letterhead ng kanyang taga-empleyo, petsa ng pagtatrabaho, deskripsyon ng papel kung saan ay huli siyang namasukan, espesipikong nakalagay kung ito ay full-time o part-time kalakip ang pirma ng tagapamahala. Ayon sa kanya, maaari din manghingi ng payslip ang assessing body.
Pagsumite ng CV-bilang bahagi ng aplikasyon, nagsumite din siya ng orihinal na kopya ng kanyang CV sa AHPRA kung saan ay sinunod niya ang isang .
Kriminal na kasaysayan- Kinailangan din patunayan ni Floribeth na siya ay angkop na magsagawa sa Australya dahil diyan nagbigay at nagbayad siya para sa isang international criminal history check. Siya ay binigyan ng dalawang opsyon kung saan makakakuha nito: o .
Ayon kay Floribeth, magandang opsyon ang Fit2Work Kung nais mo ng mabilisang aksyon (3-4 araw) ngunit mahal. Habang mura sa AIS ngunit mas matagal (1-2 linggo) depende sa bansa kung saan ka nagtrabaho dati bilang nars. If you're not in a rush you can save half of hundred bucks, it's up to you what you need," sabi niya.
Para sa kumpletong listahan ng requirements tumungo sa .
Kakayahan sa wikang Ingles
Higit sa lahat, kinailangan ni Floribeth ipasa ang pamantayan ng kahusayan sa wikang Ingles kung kaya't kumuha siya ng PTE Academic kung saan ay nakakuha siya ng 6.5, katumbas ng 7 sa IELTS.
Mayroong mga opsyon para sa pagsubok: kumuha ng band score na 7 sa lahat ng mga component ng o international English language testing system, kumuha ng B sa lahat ng mga component nito mula sa o occupation english test, kumuha ng minimum 65 sa lahat ng mga component sa or Pearson test of English o sumubok sa TOEFL. "The three are mostly common, PTE, IELTS and OET," sabi ni Floribeth.
Pagkatapos makumpleto ang mg requirements, ipinadala ni Floribeth ang kanyang aplikasyon sa AHPRA at naghintay ng resulta.
Bridging program
Pagkatapos magsumite, dumaan sa masusing rebyu ang aplikasyon ni Floribeth s AHPRA. Pagkatapos ng ilang linggong paghihintay, nakatanggap siya ng letter of eligibility (LOE) na naglalaman ng pagtanggi ng kanyang aplikasyon. Sa kasamaang palad, hindi niya naabot ang kasalukuyan pamantayan ng edukasyon ng Australyanong nursing at midwifery. Sa maliwanag na bahagi, kasabay ng kanyang LOE ay ang referral upang kumuha ng bridging program. "I was very happy I got my LOE," kasiya-siyang sinabi ni Floribeth.
Nakita ang LOE bilang oportunidad na ipagpatuloy ang pagna-nars sa Australya, agad siyang sumagot sa AHPRA sa pamamagitan ng isang sulat na naglalarawan ng kanyang kagustuhan na gawin ang programa. Ang LOE ay requiremnt na isusmite sa paaralang nag-aalok ng bridging program at intensyonal na ginawang balido ng isang taon para sa mga aplikante upang makahanap ng paaralang nag-aalok ng briding program. " The next challenge is to find a school, schools in Australia are always full. If you are aiming for a certain time and if you have a visa that will expire you might have to enroll in an expensive school," dagdag niya.
Kinuha ni Floribeth ang EPIQ program (Entry Program for Internationally Qualified RN course). " You have to be quick in finding a school and think of the costs too. Rough estimate for the school fee would be $12,000 to $20,000" sabi ni Floribeth.
Narito ang listahan ng mga paaralan sa Australya na nag-aalok ng mga bridging program:
Australian Centre of Further Education - Melbourne, VIC
Australian College of Nursing - Parramatta, NSW
Central Queensland University Cairns - QLD Noosa - QLD Rockhampton - QLD
Deakin University - VIC
Education, Training and Employment Australia - Heidelberg VIC, Canningvale WA, Adelaide SA, Eveleigh, NSW
Institute of Health and Nursing Australia (IHNA)
La Trobe University - Bendigo VIC
Lonsdale Institute - Myrtleford, VIC
Monash University - Clayton VIC
Southern Cross University
University of South Australia - Adelaide City East
Australian College of Nursing - Parramatta, NSW
Central Queensland University Cairns - QLD Noosa - QLD Rockhampton - QLD
Deakin University - VIC
Education, Training and Employment Australia - Heidelberg VIC, Canningvale WA, Adelaide SA, Eveleigh, NSW
Institute of Health and Nursing Australia (IHNA)
La Trobe University - Bendigo VIC
Lonsdale Institute - Myrtleford, VIC
Monash University - Clayton VIC
Southern Cross University
University of South Australia - Adelaide City East
Muling pag-rehistro
Pagkatapos kumuha ng bridging program sa loob ng tatlong buwan at ito ay naipasa, nakatanggap si Floribeth ng certificate of completion mula sa kanyang paaralan. Pagkatapos nito, siya ay muling nagpa-rehistro sa AHPRA gamit ang
Mahirap at nakakainip, kinailangan niya muling mag-aplay at ipasa ang mga mahalagang impormasyon na binaggit sa unang yugto kabilang na ang muling pagbayad. "You gather and compile all the requirements again. Have it certified again, get a new CGOS because they have expiry dates and then pay a filing fee of $340," sabi ni Floribeth.
Habang naghihintay si Floribeth sa kanyang rehistrasyon, kailangan niyang maghintay ng 4-6 linggo o maaaring mas matagal.
Nagbabago din ang modelo ng AHPRA para sa mga internatsyunal na mga nars at midwives, hikayat ni Floribeth sa mga aplikante na tingnan ang na magiging epektibo sa kalagitnaan ng susunod na taon.
"The challenge does not end there. Australia have this CPD or Continuing professional development. The nurse needs to acquire 20 hours of CPD a year," sabi ni Floribeth.
Ngayon ay araw o linggo na lamang ang layo ni Floribeth sa pagtanggap ng kanyang Australyanong rehistrasyon at hindi na siya makapaghintay na tawagin ang sarili bilang isang rehistradong nars ng Australya.
Habang ang pagiging nars ay nananatiling isa sa pinaka-mahalaga at in-demand na trabaho sa bansa, ang mga nars mula sa ibang bansa ay nagiging madaling target para sa mga bogus na mga kompanya ng migrasyon.
Kaya bago sumabak sa isang paglalakbay sa 'land down under' siguraduhing masusing manaliksik at kumuha ng payo mula sa mga tamang ahensya.
BASAHIN DIN: