Key Points
- Patuloy na nanatiling panganib ang COVID-19 sa lahat ng Australyano: AMA President Steve Robson
- Mungkahi ni Dr Kerry Chant talakayin ng mga empleyado ang isang health safety plan sa kanilang taga empleyo
- Ayon sa mga dalubhasa ang updated na pagpapabakuna ang pinakamahusay na proteksiyon laban sa COVID
Hindi natuwa ang taga-Sydney at ina ng tatlong bata na si Jenny Choo sa desisyon ng National Cabinet na tanggalin ang mandatory isolation period at sinabing 'mali' ito.
Nababahala siya para sa kanyang mga anak na wala pang limang taong gulang at di pa maaring mabakunahan kontra COVID.
"Maaring mahawa ng COVID ang mga anak ko sa childcare mula sa mga titser at staff na di na kailangang mag isolate," bahagi ni Jenny Choo sa SBS.
Sa Australya maaari lamang mabakunahan ang mga bata na wala pang limang taong gulang kung sila ay bulnerable, habang ang mga lampas limang taong gulang ay maari na makatanggap ng dalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19.
Patuloy na malaking panganib ang COVID
Sinabi ng Pangulo ng Australian Medical Association Steve Robson di dapat magpabaya ang mga pamahalaan at residente at maging kampante sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga COVID infections, na-oospital at mga namamatay.
Ang COVID ay nanatiling banta sa ating kalusugan, ekonomiya at sistema ng kalusugan
Ani Professor Robson nalalagay sa malaking panganib ang mga Australyano sa pagbaba ng kanilang immunity sa pagkawala ng bisa ng bakuna at may namumuong bagong wave ng COVID sa northern hemisphere.
"Sa mensahe ipinadadala ng mga lider o political leaders, tapos na ang pandemiya, ngunit malayo ito sa katotohanan," ayon kay Prof Robson.
Paano maiiwasan ang COVID infection sa lugar trabaho sa gitna ng mga pagbabago?
Ayon sa mga dalubhasa dapat ipagpatuloy ng mga manggagawa ang kaparehong mga kalakaran na nagpanatiling ligtas sa kanila noong simula ng pandemya .
"Nabatid natin lahat mula sa ating mga karanasan kung ano ang pinaka epektibo na paraan upang proteksiyunan ang sarili laban sa COVID-19, paki-usap, ipagpatuloy natin ang mga simple ngunit mahalagang mga hakbang," sabi ng NSW Chief Health Officer Dr Kerry Chant.
"Hinihikayat namin manatili sa bahay ang mga may sintoma ng sipon o trangkaso tulad ng tumutulong sipon, masakit na lalamunan, ubo o lagnat. Mapa-test," dadgdag ni Dr Kerry Chant.
Sabi ni Dr Chant kailangang kausapin ng mga tao ang kanilang taga-empleyo sa ligtas na pagbabalik sa lugar trabaho , kung saan ang mga panganib ay panganagsiwaan sa ilalim ng kalakaran ng occupational health and safety frameworks.
Ang mga state at territory ay mayroong sarili-sariling mga work health and safety laws upang mapangasiwaan ang mga banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado, bisita at , customers at mga supplier sa lugar trabaho.
Habang responsibilidad ng taga empleyo ang siguruhin ang ligtas na kapaligiran sa trabaho, may obligayson ang mga empleyado na alagaan ang kanilang sariling kalusugan at kaligtasan at siguruhin na di sila makapipinsala ng iba.
Ani Prof Robson kailangan maging maingat ang mga COVID positive cases sa mga tao na kanilang hinaharap.
"Kung kayo ay may sintoma o kamakailan ay nagka-COVID, siguruhin ninyo na mabawasan ang pagkalat ng infection sa ibang Australyano," dagdag ni Prof Robson.
Nangangamba si Prof Robson, maaring mahirapan ang mga healthcare workers na matukoy ang tunay na bilang ng COVID transmission sa komunidad.
Gaano katagal kang nakakahawa?
Nagtapos na ang mandatory self-isolation, ngunit walang pagbabago sa tagal ng panahon nakakahawa o infection period.
Ani Dr Chant maaring manatiling nakakahawa ang isang tao ng COVID ng hangang 10 araw, ngunit pinaka nakakahawa ang mga ito sa dalawang araw bago pa man magsimula ang mga sintoma o hangang mayroon mga sintoma.
Hinihikayat niya ang mga may COVID-19 na magsuot ng face mask habang nasa loob o sa pampublikong transportasyon .
Dapat umiwas sa malalaking mga pagtitipon, mga mataong lugar at mga high-risk na lugar tulad ng opsital at aged o disability care ng hanggang pitong araw, dagdag ni , Dr Chant.
Ayon sa dalubhasa ang updated na pagpapabakuna ang pinaka mabisang proteksiyon laban sa COVID.
Paano kung kayo ay close contact?
Payo ng NSW Health para sa mga close contacts kailangan:
- I-monitor ang mga sintoma
- Magpa-test at manatili sa bahay kung may sakit
- Iwasan ang mga high-risk na lugar tulad ng ospital, aged o disability care facilities ng pitong araw
- Iwasan bumisita sa mga may panganib ng malalang sakit
- Mag-suot ng mask kapag nasa loob at sa mga pampublikong tarnsportasyon
- Dalasan ang RAT
Lumuwag ang pakiramdam ng ilan
May ilang mga residente na isinalarawan ang pagtatapos sa mandatory isolation bilang pagluwag sa pakiramdam ng kapwa magulang at mga bata.
"Wala ng mental stress at takot. lahat ay nakaranas na mabuhay sa realidad ng COVID, ano pa man ang edad at paghihigpit. Napapanahon na bumalik at mabuhay muli sa ngayon," ayon kay Sangeetha, ina ng dalawang bata.
Isinalarawan ng special education teacher at ina sa limang bata Kelly Ford ang pagtatapos sa COVID isolation rule bilang "bongang bongga".
Aniya, "na-miss ng husto ng mga estudyante ma-access ang mga gawain sa komunidad at maging bahagi ng mga pang araw araw na aktibidades sa buhay."
"Naisagawa na ang mga balak para school camp, outdoor sports at maraming mga exciting na excursion. Muling nagbalik ang kagandahan ng buhay!"
Para sa mga Australyano nababahala sa pagbabalik sa lugar trabaho, paaralan o educational facilities sa gitna ng mga pagbabago sa kalakaran kaugnay ng COVID, maaring humingi ng tulong sa kani-kanilang mga state at territory.
ACT — Canberra Health Services Access Mental Health on 1800 629 354
NSW — Mental Health Line on 1800 011 511
NT — Northern Territory Mental Health Line on 1800 682 288
QLD — 1300 MH CALL: Mental health access line on 1300 642 255
SA — Beyond Blue Coronavirus Mental Wellbeing Support Service on 1800 512 348
TAS — Mental Health Service Helpline on 1800 332 388
VIC — Head to Help on 1800 595 212
WA — Mental Health Emergency Response Line on 1300 555 733
Determinado ang SBS na miahatid ang lahat ng COVID-19 update sa multikultural at multilingual na komunidad sa Australya. Manatiling ligtas at manatiling maalam sa pamamagitan ng regular na pagbisita sa