Mga paraan upang mas sumaya ang palitan ng regalo

Nagawa mo na ang iyong listahan at nakabili ka na rin ng mga espesyal na regalo. Binalot mo na ang mga ito at inilagay mo na sila sa ilalim ng puno. Kulang na lang ay ipamigay mo ang mga ito sa mga mahal mo sa buhay.

Gift giving

Gift giving Source: Pexels

Narito ang limang kakaibang paraan ng pagbibigay ng regalo para mas maging masaya at exciting pa ang Pasko:

1. Dirty Santa

Ang ‘Dirty Santa’ ay tradisyon kung saan ang unang manlalaro ay pipili ng kanyang regalo. Bubuksan niya ang regalo at ipapakita ito sa lahat. Mananatili ang regalo sa unang manlalaro kung ang mga sumunod sa kanya ay hindi interesadong nakawin ito. Kung mayroong magnakaw nito, kinakailagan ng unang manlalarao na pumili mula sa hindi pa nabubuksang regalo o magnakaw ng regalo ng iba. Matatapos ang laro kung wala ng natitirang regalo.


2. Secret Santa

Ang ‘Secret Santa’, na kilala rin bilang Kris Kringle, ay isang tradisyon ng pagbibigay regalo, kung saan ang bawat isa sa grupo ay bubunot ng pangalan mula sa kanilang mga ka-miyembro. Ang nabunot nilang pangalan ang pagbibigyan nila ng regalo. Ibibigay ang aguinaldo sa itinakdang araw kung saan ipapakilala rin ang katauhan ng kanilang ‘Secret Santa’.
Ang bersyon sa Pilipinas ng ‘Secret Santa’ ay ang 'Monito/Monita'. Ang proseso ng dalawa ay halos pareho; ngunit, sa 'Monito/Monita' ilalarawan ng bawat isa ang taong nabunot nilang bigyan ng regalo.

3. Pass the parcel

Ito ay popular na laro para sa mga bata sa Britanya.

Ang pinakamagandang regalo sa parcel ay nasa pinakaloob ng maraming patong ng pambalot sa regalo. Sa gitna ng mga pambalot na ito ay mga maliliit na regalo.

Habang may tumutugtog na kanta, pagpapasa-pasahan ang parcel. Kapag tumigil ang kanta, tatanggalin ng may hawak ng regalo ang isang layer ng pambalot. Mag-uumpisa muli ang kanta at magpapatuloy ang laro hanggang umabot sa huling balot at regalo.
4. Ang pao or money envelope

‘Ang Pao’ o ang red money envelope ay nilalagyan ng mga ninong at ninang ng pera at binibigay sa kanilang mga inaanak.
Red envelopes
Red envelopes Source: Getty images


5. Gift grabbing

Lalagyan mo ng numero ang nakabalot na mga regalo (sa ilalim ng napagkasunduang limitasyon sa presyo). Isusulat mo ang mga numerong ito sa mga pira-pirasong papel at ilalagay ang mga ito sa loob ng isang kahon. Bubunot ang bawat isa ng numero at kanila ang regalong may kaparehang numero sa nabunot nila.
Many gifts
Gifts for Christmas Source: Pexels


Hangad namin na inyong matanggap ngayong taon ang pinakamagandang pampaskong regalo sa buong buhay ninyo dahil ayaw naman naming mangyari ito sa inyo!



Share
Published 14 December 2018 8:37am
Updated 17 December 2018 10:59am
By Cybelle Diones


Share this with family and friends