Ang Kare-Kare ay isang popular na ulam na kadalasan ay hinahanda tuwing Noche Buena. Bagaman, ang recipe na tampok ay hindi isang tradisyonal na putahe, sinabi ng home-based qualified Chef na si Rachelle "Rachie" Roque, tiyak na magugustuhan pa rin ito ng buong pamilya.
Madaling lutuin ang Seafood Kare-Kare kumpara sa tradisyonal na Beef kare-Kare.
SEAFOOD KARE-KARE
Mga sangkap:
¼ kilo prawns
2 tbsp oil
2 bunches bok choy
¼ kilo crab
5 cloves garlic (crushed)
500g eggplant
¼ kilo salmon steak
1 large onion (nakahiwa)
¼ kilo mussels
250g of smooth peanut butter
¼ kilo squid
250g snake beans
Seafood Kare-Kare by Chef Rachelle "Rachie" Roque Source: Chef Rachelle "Rachie" Roque
Paano gawin:
- Hugasan ang seafood sa malamig na tubig. I-trim ang mga dulo.
- Ilagay sa high ang apoy.
- Magpakulo ng 500 ml na tubig sa isang malaking kaldero at takpan. Ilagay lahat ng seafood. Lagyan ng asin.
- Magbabago ang kulay at texture ng seafood sa loob ng 5- 10 minuto. Kapag nagbago, patayin ang apoy.
- Ihiwalay ang stock nito mula sa seafood. I-set aside.
- Sa isang kawali mag-gisa ng sibuyas at bawang. Lagyan ng isang kutsaritang patis at ibuhos ang seafood stock.
- Ilagay ang peanut butter. Lalapot ang sauce.
- Samantala, sa hiwalay na kaldero, pakuluan ang mga gulay ng 4-5 minuto sa ganitong ayos; eggplant, snake beans at bok choy. Huwag i-overcook. Tanggalin agad sa maiinit na tubig. Palamigin sa yelo.
- I-garnish ang mga naluto na gulay sa taas ng nalutong seafood kare-kare. Huwag kalimutan ipares ang bagoong.