Demand para sa Australian citizenship nagtala ng pinakamataas na bilang

Umabot na sa 189,000 katao ang naghihintay para sa kanilang Australian citizenship.

An Australian passport

Citizenship wait times are soaring Source: AAP

Naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nagnanais na makakuha ng Australian citizenship, ayon sa pamahalaang pederal, na tintatayang nalalapit na sa 189,000 katao ang naghihintay ng desisyon sa kanilang aplikasyon. 

Ang bilang na ito ay higit walong beses na mas mataas sa 2015, kung saan mas mababa sa 23,000 katao ang naitalang bilang. 

At ang bilang ng rekord ay nangangahulugang siyam sa sampung aplikasyon ay inaabot na ng halos isang taon at kalahati para maproseso. 

Sabi ng rehistradong migration agent na si Julie Williams sa SBS News, ang oras ng paghihintay ay isang malaking pagsubok. 

"It's starting to turn people off as to, really, 'does Australia want me?' Because, you know, 'I'd like to give back, but, if they're not allowing me to become a citizen ... It's quite a sad situation," sabi niya.
Migration agent Julie Williams.
Migration agent Julie Williams. Source: SBS News
Ms Williams said access to study and certain jobs are just some examples of the issues caused.

"Their ability to, perhaps, attend university, apply for government jobs ... We have a lot of clients with children who have gone all the way through high school in the Australian education system and want to join the armed forces but can't because they haven't got their citizenship."

Si Sona Iplani at ang kanyang pamilya ay napagkalooban ng citizenship ngayong buwan na ito matapos ang 10 buwang paghihintay - na sa ngayon ay itinuturing pang medyo mabilis. 

"I think it's more than a paper. It's like officially feeling at home. While India will always be my first home, but then, having said that, I've now embraced the beautiful culture and the country and the people here in Australia," sinabi niya sa SBS News.

Sinabi ni Minister for Citizenship and Multicultural Affairs na si Alan Tudge na ang haba ng pagproseso ay maraming kadahilanan katulad ng mga bagong banta sa pambansang seguridad ngayon kaysa dati. 

Sinisi rin niya ang "processing of the 50,000 people who arrived unlawfully by boat in the Rudd-Gillard-Rudd years".

"A significant number of these people who received protection visas, have since applied for citizenship. Many of the applications had limited or no identity documentation to verify who they are.

"The processing of these cases uses a huge number of resources which then delays processing times overall."

At ang haba ng pagproseso ay maaaring mas tumagal pa, ngayong ang gobyerno ay nagpapatupad na ng mas striktong mga pamamaraan para makakuha ng citizenship, kabilang ang pagpapahaba ng waiting period para sa permanenteng residente sa apat na taon.

Share
Published 17 August 2018 2:39pm
Updated 17 August 2018 4:07pm
By Virginia Langeberg
Presented by Roda Masinag
Source: SBS News


Share this with family and friends