Key Points
- Payo ng mga eksperto na mag-RAT test bago dumalo sa mga pagtitipon.
- Hinikayat ang mga residente na magsagawa ng mga party sa outdoor o labas ng bahay.
- 'Ang mga may edad at mga may kapansanan ang nanatiling pinakalantad sa panganib na malubhang sakit.'
Hindi na mahintay ni Akiko Pollock mula Sydney na makita ang ina na dadating sa Australia mula Japan at magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon kapiling ang tatlo nitong apo matapos ang tatlong taon.
Bakunado na ang ina ni Akiko pero mag-iingat pa din ang kanyang pamilya dahil sa edad nito gayundin ang sakit na dinadanas.
“Ayaw naming mag-alala masyado pero sisiguruhin namin na lagi kaming naghuhugas ng kamay, naglilinis lagi at tingnan ang kalusugan ng bawat isa,” sabi ni Akiko sa panayam ng SBS.
Nagdesisyon ang kanyang pamilya na umiwas sa matataong lugar at mga salo-salo dahil na rin sa panibagong bugso ng COVID-19 sa Australia.
The Pollock family. Credit: Akiko Pollock
“Maaring magbigay ng pathology form upang mas mapabilis ang PCR test at sasabihan ang pasyente kung eligible sa mga COVID antiviral,” ani Dr Chant.
Dagdag nito “dapat na siguraduhin na napapanahon pa ang iyong bakuna dahil ito ang pinakamabisang proteksyon laban sa malubhang sakit.”
Iginiit naman ni Epidemiology Associate Professor Hassan Vally mula sa Deakin University na ang mga vulnerable o madaling dapuan ng sakit na mga tao ay dapat mabigyan ng opsyon na ma-assess o masuri ang sarili sa panganib ng impeksyon at ang mga benepisyo ng pagdalo sa mga pagtitipon.
Sinabi ni Dr Vally na “hindi dapat ipagpalagay na naiintindihan nila ang mga prayoridad at panganib.”
Deakin University's associate professor in epidemiology, Hassan Vally Credit: Hassan Vally
Dapat anyang “magplano at alamin ang mga kinakailangan sa pagbisita bago dalawin ang mga mahal sa buhay na nasa disability o aged care home,” ayon kay Prof McMillan.
Hinikayat din niya ang mga residente ng mga pasilidad na ipagpatuloy ang nakaugaliang malinis na pangangatawan kabilang ang paghuhugas ng kamay at pagtakip kapag uubo.
Mga pag-iingat kung dadalo ng mga salo-salo
Ayon sa gobyerno ng Victoria, ang mga residenteng may sintomas ay dapat na magpa-test sa COVID-19 bago pa man dumalo sa mga Christmas o New Year party.
Sakaling nagpositibo, kailangan na mag-isolate ng limang araw.
Malaking tulong ani Dr Vally ang mga RAT test bago pa man dumalo sa malalaking pagtitipon.
“Ang mahalagang bagay ay huwag na pumunta sa mga ganitong pagtitipon sakaling ikaw ay may kasalukuyang may respiratory symptoms o nagpapagaling mula sa COVID infection kahit na nagpositibo ka man o hindi.”
Mga pag-iingat sakaling ikaw ang magho-host ng party
Iginiit ni Dr Vally na ang mga residente ay dapat na mag-host ng mga party sa labas ng bahay at siguraduhing sundin ang mga panuntunan upang mabawasan ang pagkalat ng COVID.
Sinabi niyang “kahit anong bagay na mapag-iibayo ang maayos na sirkulasyon ng hangin ay magpapabawas sa pagkalat ng mga respiratory infection.”
Maaari anyang gumamit ng mga electric fan, air conditioner o buksan ang mga pinto at bintana.
Dagdag din nitong “limitahan ang bilang ng mga bisita at hikayatin na mag-rapid antigen test (RAT) bago dumalo o hindi kaya ay magsuot ng mask sa mga ilang sitwasyon.”
“Siguraduhin ding may sapat na bilang ng mga kwarto para sa mga bisita at linisin lagi ang mga posibleng pwedeng hawakan gamit o bagay sa bahay.”
Ang SBS ay handang magbigay ng lahat ng mga balita at impormasyon kaugnay sa COVID-19 sa iba’t ibang wika at multikultural na komunidad sa Australia. Maging ligtas at maging maalam sa pamamagitan ng pagbisita sa aming na nakasalin sa inyong wika.