Latest

WHO, ipinaliwanag ang long-COVID sa mga bata at ano ang epekto nito sa pang-araw na araw na pamumuhay

Narito ang lingguhang balita kaugnay sa COVID-19 sa Australia.

AUSTRALIA-SYDNEY-RESTRICTIONS-EASING

A teacher welcomes students outside a primary school in Sydney, Australia. (file) Credit: Xinhua News Agency/Xinhua News Agency via Getty Ima

Key Points
  • Madaling mapagod, may ibang amoy at pagkabalisa ang ilan sa sintomas ng long COVID sa mga bata.
  • Humarap si Chief Medical Officer Paul Kelly sa pagdinig ng senado kaugnay ng long COVID.
  • Tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Victoria sa pinakahuling tala.
Inilabas ng World Health Organization ang bagong kahulugang klinikal ng long-COVID at post-COVID sa mga kabataan.

Ang mga tinamaan ng long COVID na mga menor de edad ay mas makakaranas ng fatigue o pagkapagod, ibang amoy at pagkabalisa kumpara sa mga hindi nagkaroon nito.

Ayon sa WHO, “ang mga sintomas ay may epekto sa pang-araw araw na pamumuhay gaya ng pagbabago sa pagkain, pisikal na aktibidad, pag-uugali, pag-aaral, pakikisalamuha sa ibang tao gaya ng kaibigan at pamilya, at mga mahahalagang bahagi ng pagtanda.”

“Ang mga sintomas ay maaring maramdaman o makita matapos ang inisyal na pagrekober mula sa malalang COVID-19 o magpatuloy mula sa unang sakit. Maari rin itong magbago-bago o bumalik sa dati.”
Sinabi din ng WHO na ang mga sintomas sa mga bata ay maaring magsimula sa loob ng tatlong buwan na inisyal na impeksyon at maaring tumagal ng hanggang dalawang buwan, gaya ng mga nasa hustong gulang.

Ang sintomas ng long COVID sa mga adult ay kabilang ang madaling pagkapagod, hirap na paghinga, nauubusan ng paghinga, problema sa konsentrasyon at pagtulog, patuloy na pag-ubo, pananakit ng dibdib, hirap na pagsasalita, masakit na kalamnan, pagkawala ng pang-amoy at panlasa, depresyon o pagkabalisa, at lagnat.
Lumabas sa datos ng Institute for Health Metrics and Evaluation na aabot sa 145 milyong katao ang nakaranas ng kondisyon na post-COVID-19 sa katapusan ng 2021.

Noong Biyernes, humarap sa pagdinig ng senado sina Chief Medical Officer Paul Kelly at Deputy Chief Medical Officer Michael Kidd.

Sinabi ni Professor Kelly na ang gobyerno ay bumubuo ng stratehiya upang matugunan ang long COVID.

Hindi nga lang ito nagbigay ng panahon kung kailan magiging handa ang nasabing stratehiya.
Ayon kay Prof Kelly, ang pagkolekta ng mga datos sa long COVID ay kumplikado lalo at walang malinaw na kahulugan ito.

Sambit niyang “ang mga ginagamit sa kasalukuyan ay mga - depinisyon mula sa WHO - depinisyon na NICE mula sa UK. Ito ay akma lamang sa mga pananaliksik dahil ito ay masyadong malawak.”

“Sa pagkakataon naman na nais mainitindihan ito, mas mayroon pang dapat gawin, at kung walang gagawa, tayo ang dapat magsimula dito.”

Noong Huwebes, tinataya ni Prof Kelly na magkakaroon na naman ng panibagong bugso ng COVID-19 ngayong taon.

“Maaring magkaroon ng mahabang epekto ang pandemya kahit na bumabagal na ang malalang yugto nito,” giit ng propesor.
Mahigit 18,000 katao ang nasawi sa Australia dahil sa COVID-19 nang magsimula ang pandemya kabilang ang 14,855 noong 2022.

Noong Biyernes, inanunsyo ng New South Wales ay pagbaba ng lingguhang bilang ng mga kaso ng COVID sa estado.

Umabot sa 6,033 ang bagong kaso kumpara sa 6,440 noong nakaraang linggo.

Tumaas naman sa Victoria kung saan nakapagtala ng 3,344 na kaso ngayong linggo kumpara sa 2,941 noong nakaraang linggo.

Alamin ang mga klinika para sa Long COVID sa inyong lugar

Hanapin ang COVID-19 testing clinic sa inyong lugar

Irehistro ang positibong resulta ng RAT

Bago bumyahe sa labas ng bansa,

Narito naman ang mga kahulugan ng ilang

Basahin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa inyong wika sa

Share
Published 21 February 2023 4:33pm
By SBS News
Presented by TJ Correa
Source: SBS


Share this with family and friends