Key Points
- Mga bagong kaso ng COVID-19, bumaba na ng 28 porsyento, ayon sa WHO
- Bagong subvariant BA.4.6 na kumakalat sa US at UK, sinusubaybayan ng mga otoridad
- Mental health ng mga kabataang Australyano, bumubuti na ayon sa isang pag-aaral
Bumaba na sa 28 porsyento ang mga naitalang bagong kaso at 22 porsyento naman ang ibinaba ng bilang ng namatay dahil sa COVID-19 batay sa huling tala ng World Health Organization (WHO) noong katapusan ng linggo ng Setyembre 11.
Nagtala ng pinakamataas na kaso ng coronavirus ang mga bansang Japan, Korea, US, Russia at China.
Ayon sa Director-General ng WHO Tedros Adhanom Ghebreyesus ito na ang pinakamababang bilang ng namatay na naitala kada linggo mula pa noong Marso 2020.
"We have never been in a better position to end the pandemic. We are not there yet, but the end is in sight."
Dagdag pa nito, pababa na rin ang mga naiulat na outbreak ng monkeypox sa buong mundo.
Binabantayan ng mga otoridad ang bagong Omicron subvariant BA.4.6 na kasalukuyang kumakalat sa US at UK. Sa ngayon, siyam na porsyento ng mga kaso ay naitala sa US at 3.3 porsyento naman sa UK.
Samantala, bumabalik naman ang sigla ng turismo sa Victoria, sa kabila ng naging epekto ng pandemya.
Ngayong Huwebes, sinalubong ng Tourism Minister ng Victoria na si Steve Dimopoulos ang pinakaunang cruise ship na dumaong sa estado matapos ang dalawang taon. Ang barko ay may sakay na 2,500 na mga turista.
Inaasahang mas dadami pa ang dadating na cruise ship simula katapusan ng Oktubre hanggang Abril sa susunod na taon.
Batay sa bagong pag-aaral na ginawa ng Australian National University, mas bumuti na ang lagay ng mental health ng mga kabataang Australyano, kahit hindi pa tapos ang pandemya.
Lumalabas sa bagong pag-aaral na mas naging positibo ang pananaw ng mga Australyanong may edad 18 hanggang 24 at mas kaunti ang nararanasan nilang psychological stress kumpara sa mga Australyanong may edad 45 hanggang 64.
Alamin kung saan may long COVID clinic sa inyong lugar
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.
Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa