Latest

COVID-19 update: WA nag-anunsyo ng malalaking pagbabago sa patakaran; PM dinepensahan ang pagbabawas ng isolation period

Ito ang inyong COVID-19 update ngayong ika-2 ng Setyembre

 PUBLIC TRANSPORT

Commuters at a train station. Source: AAP / DAN HIMBRECHTS/AAPIMAGE

Key Points
  • Sa Queensland, mandato na COVID-19 vaccination requirement sa mga pribadong health workers, tinanggal na
  • TGA inaprubhan ang ang bakuna kontra sa naunag COVID variant at BA.1 Omicron variants
  • Bilang ng mga kaso kada linggo at bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19, bumaba na ayon sa WHO
Ngayong Biyernes, umabot sa 58 ang namatay sa Australia dahil sa COVID-19, 21 dito ay sa New South Wales at 17 naman ang naiulat sa Victoria.

Nanguna ang Western Australia (WA) sa ibang mga estado na tanggalin ang mandato na pagsusuot ng face mask sa pampublikong transportasyon, kasama dito ang rideshare at mga taxi. At ipapatupad ito simula Setyembre 9.

Pero mandato pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga high-risk settings katulad ng mga ospital, bilangguan at aged at disability care facilities.

Simula ngayong araw (Setyembre 2), magluluwag na ang oras ng pagbisita sa mga aged and disability care facilities sa estado.

Sa Queensland, tinanggal na ang mandato na COVID-19 vaccination requirement para sa mga pribadong health workers.

Pero kakailanganin pa ring maging up to date sa bakuna ang sinumang nagtatrabaho sa aged at disability care facilities.

Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa


Dinepensahan ni Punong Ministro Anthony Albanese ang desisyon ng pamabansang gabinete na paiksiin sa limang araw ang isolation period para sa mga tinamaan ng COVID-19 na walang nararamdamang sintomas.

Sinabi ni G Albanese sa ABC News Breakfast na ito ay "kinakailangang gawin" at suportado umano ito ng lahat ng estado at teritoryo.

Samantala, nakakuha na ng provisional approval ang bivalent COVID-19 vaccine ng Moderna na panlaban sa naunang COVID-19 variant at BA.1 Omicron variant.

Maaaring gamitin ang booster dose sa mga may edad 18 pataas.


"Initial analysis shows that the bivalent vaccine also generates a higher immune response against the sub-variants BA.4 and BA.5 than the original SPIKEVAX vaccine."

Bumaba na sa 16 porsyento ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at bumaba naman ng 13 porsyento ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 ngayong katapusan ng Agosto, batay sa pinakabagong lingguhang report ng World Health Oganisation.


Alamin kung saan ang mga COVID-19 clinic sa inyong lugar

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.

Bago kayo bumyahe patungong ibang bansa,

Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa


Share
Published 2 September 2022 3:31pm
Updated 2 September 2022 4:36pm
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends