Key Points
- Prof Jane Halton sinuri ang bakuna kontra COVID-19 at ang proseso sa pagbili nito
- Nagbigay ng walong rekomendasyon si Prof Halton
- Giit ni Health Minister Mark Butler, huwag hintayin ang booster para sa Omicron variant
Nagbigay ng walong rekomendasyon si Professor Jane Hamilton sa kanyang independiyenteng pagsusuri ng bakuna kontra COVID-19 at proseso sa pagbili nito.
"Ang naunang proseso sa pagkuha at pagbili ng bakuna kontra COVID-19 ay nangyari noong panahong mataas ang demand nito sa pandaigdigang merkado," ayon sa ulat ni Professor Halton.
"At noong panahong iyon, naging matagumpay ang Australia na makakuha ng epektibong bakuna at gamot kontra COVID-19 at nagbigay-daan para maiwasan ang malalang sakit at pagkamatay ng mga tao sa buong mundo," dagdag pa nito.
Napagpasyahan ng grupo ni Prof Halton na pansamantalang inilagay ang ilang proseso nang magsimula ang pandemya. At ayon sa kanya, kinakailangan ng palitan ito.
"Hindi na angkop sa ngayon ang mga dating proseso na inilagay noong umpisa ng pandemya."
"Mas malaki na ang posibilidad ng biglaang pagsipa at pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 at mangangailangan na ang bansa ng mas angkop at napapanahong payo, istruktura sa mga bagong abiso at mandato."
Ayon kay Health Minister Mark Butler, isasaalang-alang ng pederal na gobyerno ang mga rekomendasyon ng eksperto bilang bahagi ng pangmatagalang istratehiya para malabanan ang COVID-19 sa bansa.
Dagdag pa nito, hindi na dapat umano maghintay para sa bakuna laban sa Omicron variant,
"Anumang booster mayroon tayo ngayon - tiyak na ang lahat ng ito ay epektibo, partikular sa pag-iwas sa malubhang sakit," sabi niya.
Samantala, maaaring makakuha ng libreng RAT ang mga bibisita sa Western Australia para panoorin ang Perth Royal Show at makukuha ito sa Gate 1 hanggang Gate 10, pati natin sa gate ng istasyon ng tren.
Alamin kung saan may pinakamalapit na long COVID clinic sa inyong lugar
Alamin kung saan ang malapit na COVID-19 testing clinic sa inyong lugar
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.