Key Points
- Ang bivalent vaccine ay nagtataglay ng mas mataas na antibodies laban sa Omicron subvariant
- Maaari lamang ito gamitin bilang alternatibo sa iba pang booster dose
- Karaniwang side-effect ng bagong bakuna ang pananakit kung saan nainiksyunan at pananakit ng ulo
Aprubado na sa Australia ang bivalent booster ng Moderna para sa mga may edad 18 pataas.
Makakapagbigay ng mas mabisang proteksyon ang bagong bakuna laban sa naunang strain at iba pang subvariant ng Omicron.
Ayon kay Health Minister Mark Butler, dumating na ang unang batch ng bakuna sa bansa at kasalukuyang sumasailalim ito sa pagsusuri.
Inaasahang ir-rollout ang bagong stock kapag naubos na ang naunang stock ng Moderna vaccine.
Sinabi ng Australian Technical Advisory Group on Immunization (ATAGI) na ang bivalent vaccine ng Moderna ay may 1.6 hanggang 1.9 na beses na mas nakakabuo ng antibody laban sa mga subvariant ng Omicron, kabilang ang BA.1 at BA.4/BA.5, kumpara sa orihinal na bakuna.
"The most commonly reported adverse reactions following a second booster dose of the Moderna bivalent vaccine were injection site pain, fatigue and headache."
"There is no reason to believe the safety of the Moderna bivalent vaccine is any different to other Moderna mRNA vaccines."
Hindi pa rin nababago ang rekomendasyon ng ATAGI para sa booster doses.
Pero opsyonal pa rin ito sa mga may edad 30 hanggang 49, at walang ibang natukoy na risk factor para sa pagkuha ng kanilang ikalawang booster dose.
Maaari na makakuha ng ikalawang booster dose ang mga may edad 50 pataas.
Samantala, sa Northern Territory, kinakailangan pa ring magsuot ng mask sa loob ng dalawang araw pagkatapos ng limang araw na isolation period.
Alamin kung saan may long COVID clinic sa inyong lugar
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.
Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa