Latest

COVID-19 update: Aged care homes sa Australia makakatanggap ng dagdag na pondo

Ito ang inyong COVID-19 update ngayong ika-25 ng Agosto.

COVID19 AGED CARE ADF SUPPORT

Royal Australian Navy sailors speaking with Western Australia aged-care facility residents as part of Operation COVID-19 Assist. (AAP Image/Supplied by Australian Defence Force) Credit: LSIS ERNESTO SANCHEZ/PR IMAGE

Key Points
  • Suporta para sa mga aged care homes sa bansa palalawigin hanggang katapusan ng Disyembre
  • Organ transplants lubhang naapektuhan ngayong may pandemya
  • US first lady Jill Biden nagpositibo ulit sa COVID-19
Nitong Huwebes, umabot sa 43 ang bilang ng namatay sa COVID-19 sa Australia, 29 dito ay naitala sa New South Wales at 12 naman sa Queensland.

Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa

Nangako ang gobyerno ng Australia ng dagdag na pondo para sa mga kwalipikadong aged care providers na naapektuhan ng COVID-19.

Napagdesisyunan ng gobyerno na ituloy ang pag-supply ng personal protective equipment at RAT kits sa mga aged care homes hanggang katapusan ng Disyembre.

Sa pinakahuling ulat, sinabi ng Australian Institute of Health and Welfare na lubhang naapektuhan ang organ donation at transplant sa buong bansa.

Bumaba ng 18 porsyento ang kidney transplant mula sa mga namatay na donor noong 2020 kumpara noong 2019. At lalo pa itong bumaba ng 6.8 porsyento noong 2021, kumpara noong 2020.

Nagpositibo ulit sa COVID-19 si US first lady Jill Biden. Wala umano siyang nararamdamang sintomas at natapos ang kanyang isolation noong Linggo.

Batay sa huling report ng World Health Organisation, bumaba ng siyam na porsyento ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo, at bumaba din ng 15 porsyento ang bilang ng namatay dahil dito base sa huling tala noong Agosto 21.


Nagtala ng matataas na bilang ng kaso ang bansang Japan, Korea, US, Germany at Russia.

Alamin kung saan ang mga COVID-19 testing clinic sa inyong lugar

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.

Bago kayo bumyahe patungong ibang bansa,

Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa


Share
Published 26 August 2022 8:49am
Source: SBS


Share this with family and friends