Key Points
- Ekonomiya ng Australia lumago ng 0.9 porsyento sa quarter ng Hunyo
- 1,700 na kabataang Australyano, maaring nawalan ng isa o parehong magulang mula nang magumpisa ang pandemya, ayon sa bagong pag-aaral
- US, planong gaing taunan ang bakuna kontra COVID-19
Ngayong Miyerkules, umabot sa 60 ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa buong Australia, 24 dito ay naiulat sa Queensland, 21 sa New South Wales at 11 sa Victoria.
Batay sa inilabas na datos ng Australian Bureau of Statistics (ABS) ngayong Miyerkules, lumago ang ekonomiya ng Australia ng 0.9 porsyento sa quarter ng Hunyo (1 April - 30 June) dahil sa pagbubukas ng mga border at patuloy na paglago ng export sector.
Dagdag ng ahensya, ang pagsigla ng ekonomiya ay nalalapit na sa pre-pandemic rates.
"Australian Gross domestic product was greatly affected by the L-strain and the Delta outbreaks of COVID-19, resulting in two large falls in GDP during the height of restrictions across Australia. Strong rebounds in growth followed as the population emerged from lockdowns."
Ayon sa isang bagong pag-aaral mula sa Australian National University, sa kada 100 na namamatay dahil sa COVID-19, humigit-kumulang 13 katao na may edad 17 pababa ang nawalan ng isa o parehong mga magulang.
Tinatayang may 1700 na kabataang Australyano ang nawalan ng isang magulang mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Sa isa pang pag-aaral na inilathala ng JAMA Network, lumalabas na mahigit 10.5 milyong kabataan ang nawalan ng isa o parehong magulang noong may pandemya.
Kabilang sa mga bansang nagtala ng pinakamaraming bilang ng naulilang mga bata ang Bangladesh, India, Indonesia, Myanmar, Nepal, the Democratic Republic of Congo, Ethiopia, Kenya, Nigeria, at South Africa.
Samantala, isinusulong naman sa US ang taunang COVID-19 vaccine dose dahil napag-alamang nakapagbibigay ng proteksyon laban sa mga bagong variant ng coronavirus ang mga bagong booster.
Ayon sa White House COVID-19 Response Coordinator na si Dr Ashish Jha na ang taunang bakuna kontra COVID ay nakapagbibigay ng proteksyon laban sa malubhang karamdaman para sa karamihan ng mga Amerikano.
Alamin kung saan may long COVID clinic sa inyong lugar
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.