Key Points
- Sinabi ni Professor Paul Kelly, tapos na ang emergency response ng Australia kaugnay sa pandemya
- Babala ni AMA President Professor Steve Robson hindi dapat tratuhin na parang trangkaso ang COVID
- Pagbabayad ng pandemic leave disaster payments ititigil na sa Oktubre 14
Simula Oktubre 14, hindi na kakailanganin mag-isolate ang sinumang magpositibo sa COVID-19.
Ito ang napagkasunduan sa pagpupulong ng Pambansang Gabinete ngayong Biyernes, na pinangunahan ng Punong Ministro Anthony Albanese.
"Ititigil na din ng pamahalaan ang pagbabayad ng pandemic leave disaster payment, maliban na lang sa mga manggagawa na nasa high-risk setting, na nangangailangan ng partikular na suporta," ayon sa Punong Ministro.
Sa ngayon, kinakailangan pa rin mag-self-isolate ng limang araw ang sinumang magpositibo sa COVID-19 na walang nararamdamang sintomas.
Sinabi ni Chief Medical Officer Paul Kelly na malamang na magtatapos na rin ang emergency response ng bansa kaugnay sa pandemya.
Pero nagbabala din ito na hindi pa tapos ang pandemya at maaari pa ring sumipa ang mga kaso ng COVID-19, katulad ng nangyari noong unang bahagi ng taong ito.
Ayon kay Professor Kelly, kasalukuyang mababa ang bilang ng mga kaso ng COVID, mga naoospital at nadadala sa ICU dahil sa virus. Kakaunti na rin ang mga outbreak sa aged care sa ngayon.
"Sa ngayon, mataas ang hybrid immunity ng mga tao sa nakaraang impeksyon, at mataas din ang antas ng pagbabakuna partikular sa mga taong mas madaling mahawa ng sakit katulad ng matatanda, mga nasa aged care, at mga may disability."
"Kaya't nararapat lamang na tanggalin na ang isolation sa ngayon at ito din ang nararapat na aksyon," dagdag ni Prof Kelly,
Tumugon din ang propesor sa katanungang kaugnay sa boluntaryo na self-isolation at iginiit nito na pinakanakakahawa ang una hanggang ikatlong araw na madapuan ang mga tao ng virus at malamang na nakakahawa ang mga ito lalo na kung may sintomas.
"Hindi pa rin natin mapipigilang lumabas sa komunidad ang mga taong nakakahawa."
"Hindi pa rin natin maisasantabi na nakakahawa pa rin ang virus na ito."
Ayon kay Punong Ministro Anthony Albanese, hindi pa rin maiiba ang posisyon ng gobyerno batay sa mga abiso at kasalukuyang pangyayari. Aniya, kinakailangan pa ring ipagpatuloy ang kampanya na magpabakuna ang mga tao.
"Patuloy ang paghahatid namin ng supporta sa mga high-risk na mga lugar at patuloy din ang pagmomonitor natin sa mga isyu at tatalakayin natin ulit ito sa Disyembre."
Nagbabala si Australian Medical Association Professor Steve Robson na hindi dapat tratuhin ang COVID na parang trangkaso.
"Kung sa tingin mo na pareho lang ang COVID at trangkaso, nahihibang ka. Ang COVID ay mas nakakahawa at may pangmatagalang epekto ito. Nakita na natin ang matinding epekto ng long COVID sa komunidad at sa mga manggagawa. Wala tayong tinatawag na long flu o long cold," sinabi nya sa kanyang panayam sa ABC.
Alamin kung saan may pinakamalapit na long COVID clinic sa inyong lugar
Alamin kung saan ang malapit na COVID-19 testing clinic sa inyong lugar
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.
Bago kayo bumiyahe patungong ibang bansa,