#UsapTayo: LDR at panibagong buhay sa Melbourne

Napatunayan ng childhood sweethearts na sina Jayvee at Emma Ramis na hindi hadlang ang distansya sa pagmamahal.

Ramis

After two years apart, Jayvee and Emma Ramis are now navigating their new lives in Melbourne together. Source: Emma Ocampo-Ramis

* Ito ang unang kwento sa serye ng kwentong migrasyon namin.

Sa bawat kwentong migrasyon, may umaalis at may naiiwan. Sa bawat kwentong migrasyon, may mga damdaming nakakaramdam ng kawalan, ng pagmamahal, at ng pag-asa. Iba-iba ang ating mga kwento, ngunit pare-pareho ang ating mga pinagdadaanan. Ano ang kwento mo? #UsapTayo

 

Love at first sight ang naramdaman ni Jayvee ng makilala niya si Emma.

“Nung nakita kita alam ko na that you were the one,” sinabi niya kay Emma.

Sa kabilang banda, saad ni Emma, "[First impression ko sa'yo was] mukha kang mayabang...Naka-all orange ka pa."

Habang hindi mutual ang atraksyon sa umpisa, naging magkasintahan ang dalawa. Mahigit 17 na taon na silang magkasama.
Jayvee and Emma
17 years and counting. Source: Emma Ocampo-Ramis
Ngunit, noong ika-14 na taon ng dalawa, kinailangang umalis ni Jayvee patungong Australya para sa kinabukasan nila ni Emma. Ayon kay Emma, hindi siya umiyak nung umalis si Jayvee. Pinili niyang tatagan ang sarili niya para malagpasan niya ang mga hirap na pagdadaanan nila.

"Kung iiyak man ako, ayokong makita mo. Ayokong dumagdag sa bigat ng nararamdaman mo," aniya, "Two days before pa lang, iyak ka na ng iyak eh."

Patuloy na tumutulo ang luha ni Jayvee sa Melboure. Ayon sa kanya, nahirapan siyang wala si Emma sa piling niya.

"Two years pa tayo [bago] nagkita [ulit]. Sanay ako na lagi tayong nagkikita. Ang bigat. Yung part na yun ng buhay ko from positive [naging] negative," saad niya.

Sa huli, nag-asawa din ang dalawa, at nabigyan ng partner visa si Emma.

Ayon kay Jayvee, naging matagal ang masalimuot ang visa process; kaya ganun na lamang ang kasiyahan niya ng mabigyan na ng visa si Emma.

Ngunit ayon kay Emma, mahirap para sa kanya na malayo sa kanyang pamilya. Saad niya, nangungulila siya sa kanyang mga magulang, at ayaw niyang isipin na baka pagdating ng araw, uuwi na lamang siya dahil may kapamilya siyang nagkasakit o namatay.

Ganunpaman, masaya si Emma sa kanyang buhay ngayon kasama ni Jayvee sa Melbourne. 

"Tandem tayo dito eh. Kung ano ang gusto mong marating, gusto ko ring marating," sabi niya kay Jayvee.

BASAHIN DIN

Share
Published 12 February 2019 7:05am
Updated 19 February 2019 11:04am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends